Gerald Anderson brings life to a boy diagnosed with Tourette’s Syndrome


Gerald Anderson plays Jerome, a young man diagnosed with Tourette’s Syndrome, a neurological disorder characterized by repetitive, involuntary movements. His mother in the November 7 episode of Maalaala Mo Kaya will be portrayed by Rio Locsin.


Ngayong Sabado, November 7, ipalalabas na ang Maalaala Mo Kaya episode kunsaan gagampanan ni Gerald Anderson ang buhay ni Jerome, isang lalaking may sakit na Tourette’s Syndrome.


Ang TS ay hereditary disorder na may kombinasyon ng attention deficit hyperactivity disorder (ADHD) at obsessive-compulsive disorder (OCD). Ang taong may TS ay gumagawa ng involuntary sounds o movements tulad ng eye-poking, coughing at head-banging. Maaring lalong lumala ang mga simtomas kung pagod o under stress ang pasyente. Ngunit kadalasan ay namimisinterpret lang ito na simpleng kakulitan ng bata kaya hindi agad nada-diagnose na TS.


Bilang preparasyon sa nasabing episode, talagang pinag-aralan ni Gerald ang nuances, o kilos at galaw ni Jerome, dahil nga kakaiba ang sintomas ng nasabing sakit, which involves involuntary jerking ng katawan. Makakasama rin ni Gerald sa nasabing episode ang veteran stars na sina Rio Locsin at Nonie Buencamino. Nasa cast rin ang former Pinoy Big Brother Teen Edition Plus housemate na si Robi Domingo, na makakasama nina Gerald at Kim Chiu sa upcoming movie nila under Star Cinema.


Abangan ang nakaaantig na episode na ito ng MMK sa direksyon ni Ruel Bayani.

Cast:

Gerald Anderson as Jerome
Rio Locsin as Criselda
Nonie Buencamino as Jaime
John Manalo as Julius
Robi Domingo as Joshua
Mara Montes as Jiezel
Julio Pisk as Young Jerome


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN