Survivor Philippines Palau will air live finale this Friday, Nov 13


Four castaways remain in Survivor Philippines: Palau. The winner of the final immunity challenge will have to choose between the immunity necklace or a P2 million condo unit. Get a chance to meet the Pinoy Sole Survivor this season. CLICK HERE to join the online promo.


Noong Biyernes, November 6, tuluyan nang pinatalsik sa isla at naging ika-anim na miyembro ng jury ang "Sexy Chef" ng Palawan na si Mika Batchelor matapos itong iboto ng dalawang dating pinagkakatiwalaang kaalyansa na sina Charles de Vera Fernandez, "Ang Raketista," at ni Jef Gaitan, "the-Girl-Next-Door."

Ngayong Lunes ng gabi, November 9, sa pinakahuling immunity challenge sa isla, isang matinding pagsubok ang haharapin ng apat na natitirang castaways na sina Charles, Jef, Justine Ferrer at Amanda Coolley van Cooll.

Isang mahirap at matagal na challenge ang paglalabanan ng apat na castaways para sa tsansang mapabilang sa Final Three kung saan pipiliin ng pitong myembro ng jury ang magiging Pinoy Sole Survivor at pagkakataong manalo ng tatlong milyong piso.

Ngunit hindi lamang ang immunity necklace ang paglalaban-labanan kundi ang tsansang mapasakanya ang isang condominium unit sa Makati City na nagkakahalaga ng dalawang milyong piso.

At dahil huli at kapanapanabik ang pagsubok, isa lang ang puwedeng piliin ng mananalong castaway—ang immunity necklace o ang condominium unit. Bibigyan siya ng pagkakataong magdesisyon at ihahayag sa Tribal Council kinagabihan.

Sino ang mananalo sa challenge at ano ang kanyang pipiliin? Maipagpatuloy kaya ni Amanda ang kanyang sunod-sunod na panalo sa mga individual challenges o lalabas muli ang angking galing ng isang miyembro ng alyansang JJC—Jef, Justine at Charles?

Lalong nagiging kapanapanabik ang mga tagpo at tumitindi ang laban sa natitirang limang araw ng pautakan, pagalingan at patatagan ng apat na natitirang castaways ng Survivor Philippines: Palau.

Hindi rin dapat palampasin ang pag-anunsyo kung sino ang susunod sa yapak ni JC Tiuseco bilang ikalawang Pinoy Sole Survivor. Mapapanood ang Live Finale sa Biyernes, November 13, at ang Reunion Special sa SNBO sa Linggo, November 15.


PEP PROMO. Two lucky PEPsters will have the chance to personally meet the Pinoy Sole Survivor. Registered users of PEP (Philippine Entertainment Portal) have until November 13 to enter their vote. CLICK HERE to join the online promo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN