Paolo Bediones hosts a new game show on GMA-7

by Dinno Erece
Apr 12, 2007
After the end of the Sunday showbiz talk show S-Files, Paolo Bediones will be seen in a new game show on the Kapuso Network.


Malamang na two weeks extension daw ang ibibigay sa S-Files including, this Sunday, April 15.

Nakita ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Paolo Bediones sa GMA-7 compound during the shoot of the Kapuso Network's newest TV ID kahapon, April 11. Kasabayan niya sa segment ang ibang mga News and Public Affair hosts.

Hindi rin daw alam ni Paolo ang dahilan behind the extension of their Sunday showbiz talk show. But definitely raw, hindi pa this Sunday magpapaalam ang S-Files, so malamang next week na lang. Hindi naman daw kasi puwedeng sumabay ang farewell nila sa magiging round out ng Manny Pacquiao-Jorge Solis fight na iti-telecast sa GMA-7, pre-empting SOP, on April 15.

Meanwhile, hindi pa rin alam ni Paolo kung ano ang magiging concept ng kaniyang game show na magiging replacement job niya for S-Files.

"Alam kong may game show ako at alam ko ang schedule nito, pero hindi ko pa rin alam ang concept," sabi ni Paolo sa PEP.

Continue reading below ↓

Taliwas din sa unang napabalita, bagama't primetime din ipalalabas ang game show ni Paolo, hindi raw ito weeknights kundi tuwing Sunday lang.

"May nabasa ako na primetime weeknights daw ito na 15 minutes lang, but it's not. Primetime pa rin pero once a week lang, Sunday. It will take the slot of Philippine Agenda na ka-back-to-back ng Mga Kuwento Ni Lola Basyang," paglilinaw ni Paolo.

Philippine Agenda, the special documentary of GMA News and Public Affairs concerning the May 14 elections, is a limited series that replaced StarStruck The Next Level elimination day.

Si Rico Gutierrez, Paolo's director sa S-Files, will also handle the directing job sa bagong show ni Paolo.

Read Next
Read More Stories About
Paolo Bediones
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After the end of the Sunday showbiz talk show S-Files, Paolo Bediones will be seen in a new game show on the Kapuso Network.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results