Justine Ferrer goes berserk in Survivor Philippines: Palau


On Day 38 on the island of Palau, Justine Ferrer (in photo) fought with Amanda Colley Van Cooll and broke their cooking pot. Amanda also got mad and grabbed their bolo. CLICK HERE to join PEP’s online promo to meet the Pinoy Sole Survivor.


It was almost settled for the JJC (Justine Ferrer-Jef Gaitan-Charles de Vera Fernandez) alliance. Amanda Colley Van Cooll was their unanimous vote for the 7th Tribal Council in Survivor Philippines: Palau.

But Amanda made a last ditch effort to save herself from elimination. She tried to make Charles realize that he would not stand a chance with the jury if he ended up with Justine in the final three. Charles assured Amanda that she would be the recipient of the immunity necklace he had won.

Amanda: "Bakit mo pipiliin na maging kaano si Justine? Bakit ako ang pinili mong tanggalin? Even though alam mong wala kang laban kay Justine."

"Binigyan ko s’ya ng scenario, sabi ko kung kay Justine, kung kayo ang top 3, wala na kayong chance na makuha iyong three million and if you want a fighting chance, i-vote off si Justine," Amanda said.

Charles got her point.

Charles: "May tama, tama ka na wala tayong laban kay Justine. Hundred percent kay Mika at sa ’yo, kabayaran ng kasalanan ko, mapatawad mo man ako o hindi, wala na ako magagawa pero ikaw na, ikaw na ang ise-save ko, iboboto ko si Justine."

Amanda: "Thank you."

Charles: "Hindi ako nagbibiro, may tama sila, may tama ka, may tama ako, wala akong laban kay Justine, wala akong laban kay Justine pag s’ya ang nakapasok sa top 3."

Amanda: "Alam ko yun, Charles."

Charles: "Sa ’yo ko ibibigay."

Amanda: "Charles naniniwala ako sa sinabi mo."

Later in the shelter, Jef told Amanda that Charles also promised her that he would give her the immunity necklace.

Amanda: "Sa akin n’ya raw iibigay ’yung immunity necklace, parang kabayaran daw ng mga sama ng loob na idinulot n’ya sa amin."

Jef : "Sabi n’ya, sa akin n’ya ibibigay yung immunity necklace."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Amanda: "Kailan?"

Jef : "Kanina."

Amanda: "E, ako basta doon sa isa, ha. I don’t care kung kanino mapunta, ha."

THE CLAWS AND HORNS ARE OUT. When Justine overheard that she was the next target, she confronted Amanda head-on while she was eating. Justine went berserk.

Justine : "Bakit kumakain ka ngayon?"

Amanda: "Ang tagal kasi e."

Justine: "Akala mo hindi ka makakakain mamaya?"

Amanda: "Hindi, kasi nagugutom ako."

Justine: "Akala ko ba tanggap mo na?"

Amanda: "Oo nga, tanggap ko."

Justine: "Alam mo plastic ka, ’no?"

Amanda: "Tanggap ko na ang mangyayari."

Justine: "Napaka plastic mo, ’no."

Amanda: "Alam ko na kung ano mangyayari."

Justine: "Hindi mo tanggap, bakit hindi mo aminin sa sarili mo?"

Amanda: "Tanggap ko na kung ano mangyayari."

Justine: "Talunan ka na, di ba? Ginaganyan mo pa, umaasa ka pa na may kakampi sa ’yo. Sa tingin mo meron pang naniniwala sa ’yo? Alam mo, ayoko na sana magsalita e, kaya lang nasasayang ang effort mo, e imbes na umalis ka na lang, less ang naiinis sa ’yo, e dinadagdagan mo pa! Bakit hindi ka makipag-usap, bakit hindi mo ako prangkahin?"

Amanda: "’Di ba sinabi ko nga ikaw ang iboboto ko?"

Justine : "Ako ba talaga ang iboboto mo?"

Amanda: "Ikaw!"

Justine : "Mamatay man ang buong pamilya mo? Isumpa mo sa harap ko!"

Amanda: "Ikaw ang iboboto..."

Justine: "Isumpa mo sa harap ko! Mamatay ang buong pamilya mo! Sige isumpa mo sa harap ko!"

Amanda: "Hindi ako marunong noon."

Justine: "Akala ko ba hindi mabibili ng pera ang friendship. Pero ngayon, pati pamilya ganun pa rin? Parang hindi ko narinig d’yan sa likod kung ano ang pinag-uusapan n’yo, ’wag mo nga akong plastikan."

Amanda: "Ikaw nga ang iboboto ko, may iniba ba? May iniba ba akong sinabi?"

Justine: "Pati ba tayo maglolokohan pa? Sinabi na sa akin pati ni Jef! Hello!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Noong kinumpronta ko s’ya, parang halo-halo na kasi ng emosyon ’yun e. Parang last minute na ’to sinasabi ko sa isip at sarili ko na pagkatapos nito, tapos na. Kumbaga wala nang kasunod tapos makakarinig ka ng para bang hanggang sa huli hahabol s’ya na she’s deserving na bigyan s’ya ng pagkakataon," Justine explained. "Plastic ka na, nanggugulo ka lang, e," she added.

Justine then called on Jef, who admitted that she would also vote against Justine.

Justine: "Jef, dito ka nga, i-open mo kung ano mga sinabi."

Jef : "’Yun na nga, na ikaw ang ivo-vote out."

Amanda: "’Di ba kanina pa? Before yung nakaupo tayo rito, ikaw ang iboboto ko."

Justine: "[to Jef] Pati ba naman ikaw? Just to win her friendship, Jef, pati ba naman ako?"

Jef : "Wait lang Justine, wait, wait, ha, ano bang sinabi namin sa ’yo?"

Justine: "Ninong namin? Ninyo!"

Jef : "Kami ni Charles."

Justine: "Ano?"

Jef : "Di ba naging usapan is ikaw, ikaw yung iboboto kaya ikaw ’yung pinaguusapan namin?"

Justine: "Sabi ni Charles, ako ang iboboto?"

Jef : "Hindi ko alam, yun yung pinag-uusapan namin ni Charles, so di ko alam kung anong pinag-usapan n’yong dalawa, Charles!"

Charles tried to avoid commotion.

Charles: "Ano ba ’yan? Away, gulo! Away, gulo!"

Justine and Jef went outside the shelter.

Charles: "Tama na! Pagod na isip ko, Tama na, tama na! pagod na isip ko!"

Justine: "Plastic ka! ’Wag ka nang lumapit!"

Jef : "Wala akong ginagawa, di ba sinabi ko sa ’yo?"

Justine: "Kung anu-anong paninira ang sinabi mo sa kanya, ngayon babaliktad ka?"

Jef : "Hindi! Wait lang, Justine!"

Justine: "Bakit hindi mo timbangin yung totoo! Bakit ngayon ganyan ka? Pati ako pagtutulungan n’yo ni Amanda? Pati ikaw magagawa n’yo yun sa ’kin?

Actually wala kang obligasyon, that’s fine."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Jef : "Kaya nga sinabi ko sa’yo, di ba, na nag-iisip ako, kaya ko kinausap si Charles kailangan ko ’yung someone na kapareho ko. ’Yung kagaya ko na naiipit din sa sitwasyon, kaya sinabi ko sa ’yo na wait lang, kailangan ko kausapin si Charles."

Justine: "Hindi, alam mo, hindi mo na dapat kinausap is Charles, e."

Jef : "Sinabi ko naman sa ’yo, e."

Justine: "Dapat hindi mo na kinausap si Charles e, kasi alam mo safe ka kaya di mo naiisip yung kapakanan ng iba."

Jef : "Gusto ko malaman kung ano ba talaga? Tinanong ko si Charles."

Justine: "Wala naman mababago sa atin, wala naman mababago sa sarili mo, hindi naman talaga si Amanda ang iboboto mo, di ba? Tinanggap na nga namin ’yung alibi mo e, and now? Tapos nangangako sa akin ’yang sinungaling na yan [Amanda]. Katapat ang pamilya, ha, in her family’s name, nangangako na ako ang iboboto n’ya."

Jef recalled, "Galit na galit si Justine na bakit kinausap pa ako ’tsaka si Charles, bakit humabol pa s’ya. Nagsabi na s’ya na tanggap na s’ya na uuwi, ginawan n’ya pa ng paraan. Kinasama pa ng loob ni Justine na alam na nga n’ya na madali kami makuha ni Charles, feeling ko bakit try n’ya pa agawin yung alyansa from her." .

The confrontation continued back at the shelter.

Justine: "Anong nangyari sa ’yo?"

Amanda: "Ewan ko sa ’yo? Sino ba ang dapat kong iboto?"

Justine: "Ikaw nga! Di ba kanina, nandito ka, ikaw ang boboto ko kasi alam ko lahat ng jury nasa side mo! Di ba!"

Charles: "Wait muna guys, apat na lang tayo! Magpakatotoo na tayo! Dito na tayo!"

Justine: "O sige, aaminin na, namin o."

Charles: "Amanda, narinig mo ’yung pinag-usapan natin, Amanda."

Amanda: "Ang ivo-vote ikaw (to Justine), yun ang sinabi ko. Alam n’ya na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Charles: "Wait muna nakapagdesisyon na ako, tama na plastikan."

In the middle of the confrontation, Charles decided to "give Justine a chance."

Charles: "Bigyan natin s’ya ng chance. Para di ka na masaktan, magpapakatanga ako, porke’t nanalo ako. Bigyan natin s’ya ng chance."

Justine: "Tanong ko lang, hindi ba ako deserving? Tanong ko lang sa inyo, hindi ba ako deserving?"

Jef : "Deserving ka."

Amanda: "Deserving ka, ako hindi ba ako deserving?"

Justine: "Deserving! Lahat naman tayo dito deserving!"

Amanda: "O, yun naman pala e, ano bang problema?!"

Justine: "Sana kasi di ka na lang nagsalita na tinatanggap mo, tanggap ko naman talaga e, kasi hindi ko naman alam kung anong desiyon n’yan, hindi ko alam kung anong desisyon ni Charles."

Charles: "Guys relax lang, relax lang."

For Amanda, she’d rather have a duel with Justine than a shouting match.

"Hindi ako marunong makipag-ganunan e. Kung ako, suntukan na lang. Halika, suntukan na lang tayo. It’s pointless for me throwing words back and forth," Amanda said.

Jef left the shelter and cried at the table. Despite Amanda’s direct declaration that she was voting for Justine, the "beauty queen" was unperturbed and announced that she will have the immunity necklace courtesy of Charles.

Justine: "Hindi mo ako puwede iboto sa gabing ito."

Amanda: "Bakit?"

Justine (to Charles): " Pasensya ka na kung pinangunahan kita, ha."

Amanda: "Bakit?"

Charles: "Nakapag-decide ako na hindi sa iyo ko ibibigay ang immunity necklace, nag-decide ako mabuti, kay Justine ko ibibigay ..."

Justine: "... At lubos akong nagpapasalamat dahil nakikita mo yung effort ko."

Charles: "Ginawa ko lang kung ano ang tama sa akin."

Justine then poured out her frustration on Jef.

Justine (to Jef): " May sasabihin ka pa?"

Jef : "Wala."

Justine: "Sige, magsalita ka!"

Jef : "Wala na kong kailangan sabihin dahil alam mo hindi naman mahe-help kung mag-aaway-away tayo ngayon e, lahat naman tayo gustong i-save yung sarili natin e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Justine: "Ikaw lang naman ang nagpagulo, e!"

Jef : "Anong ginawa ko?"

Justine: "Pumasok-pasok ka sa kompromiso ng isang alyansa tapos hindi mo naman alam yung patakaran!"

Justine: "Nakakainis e, alam mo simula’tsapol inconsistent ka! Tanong ko sa ’yo, naging unfair ba ako sa’yo? Lahat ng anggulo pinakita ko sa ’yo sinabi ko sa ’yo lahat ng mga puwedeng mangyari, hindi ako naging unfair sa ’yo! Hindi ako naging selfish!"

Jef : "Wala akong sinabi na naging unfair ka, naging honest din naman ako sa iyo."

Justine: "Di ba ikaw naman nagdesisyon n’yan lahat!"

Jef : "Oo, ako nga, alam kong ako, and sinabi ko naman sa ’yo na iniisip ko rin yun."

Charles: "Relax, relax, walang mangyayari kung nagsisigawan tayo."

Justine: "Hindi kita pinilit, hindi ko nilason yung isip mo, wala akong ginawang ano."

Jef : "Alam ko na lahat ng ginawa ko, ako ang nagpunta sa sarili ko dito."

Justine: "At least, now I know. Sinasabi pa na ikaw ang iboboto, ayaw kita iboto nun, ayokong mawala ka, konting konsiderasyon sa amin."

Jef : "Just, kaya na kailangan kausapin si Charles."

Justine: "Kaya mo s’ya kailangan kausapin, para tulungan mo si Amanda. Tama na!"

Justine then broke their cooking pot (palayok).

Charles: "Justine, tama na!"

Jef : "Just, nag-promise din s’ya."

Justine: "Alam mo same feathers flock together talaga! Wala s’yang prinomise narinig ko!"

Jef : "Nag-promise s’ya kay Amanda, at least, ’yun ang alam ko."

Charles: "Ang sabi ko, hindi ako mangangako, hindi ako mangangako, ayoko na ngang mangako dahil nakakasakit lang ako ng ano e. Sana hindi mo naman binasag, wala na tayong mapagkakainan."

Justine: "Wala naman na e, hindi na tayo magluluto d’yan, tapos na Charles, di ba? Ngayong gabi matatapos lahat."

Amanda then took their bolo.

Amanda: "O saksakan na! Heto ang gulok!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Justine : "Hay, naku! Hindi ako iskwater para makipagsaksakan sa ’yo!"

Amanda: "Bakit mo naman binasag yung paso?"

Charles: "Sana ’wag mo nang binasag. Tama na, relax lang, at wala ring mangyayari."

Justine (to Amanda): " Baka ikaw, kung saan ka man lumaki, ewan ko!"

Justine then exited the shelter. She was overheard saying, "Kung ’yan purong dugong Filipino hindi ganyan ang asal n’yan!"

"Ang OA na, parang ayoko kasi noong ganoong klaseng eskandalo e, wala nang poise," Jef recalled.

Meanwhile, Amanda admitted that she feared for her life.

"I feared for my life na kasi hindi ko nga alam kung saan nanggaling ’yung ugali ni Justine na ganun," Amanda said.

Jef also described the scenario as a living hell.

"Ang gulo. Parang sobrang impiyerno noong place. Impiyerno, lahat ng sama ng ugali, lahat ng katarayan lumabas. Si Justine, yun ang dami-dami ng sinasabi, ang dami-daming galit na hindi ko na naintindihan, hindi ko na nasundan," Jef said.

"Ayoko na dito. Mga demonyo yung mga kasama ko, like naglabasan yung mga totoong sungay nila, like wow!" Amanda said.

THE 7TH TRIBAL COUNCIL. Survivor Philippines: Palau host Paolo Bediones welcomed the remaining members of the Sonsorol tribe to their second to the last Tribal Council. He then called on the six jury members. The last castoff, Mika Batchelor, blew a kiss towards Amanda.

Paolo congratulated Charles for winning the last immunity challenge, which also gave him an option to trade his immunity for the condominium unit. Paolo asked "the raketista" what his motivation was.

"Inisip ko na lang iyong mommy ko na nakalagay doon sa [50-pound] box, inisip ko na lang na kailangan kong gawin ito kasi kapag bumagsak si mommy ko, mamamatay siya," Charles replied.

Paolo also asked runner-up Amanda the same question. Amanda was emotional as she admitted that she was doing it to avenge Mika. Mika cried on hearing Amanda’s revelation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang higanti ko lang para sa aming dalawa ni Mika. Sorry... At saka to save myself kasi nga wala, mag-isa lang ako. So mostly, to save myself and para i-ganti kaming dalawa," Amanda replied in tears.

Paolo asked her what she felt while going back to the camp after Mika was eliminated by her three tribemates.

Amanda said she felt that she already lost the game and that she was all alone. She also admitted that her emotions overwhelmed her.

"Mostly, nag-take over na ang emotions ko over the three million, over everything. Parang emotionally distraught. Naramdam ko lahat ng naramdaman nilang betrayal. I thought I was stronger than this. Apparently not, emotionally," Amanda said.

Justine was making faces and fake coughs while Amanda was pouring her heart out.

IMMUNITY OR CONDO. Paolo then asked what he has decided to choose between the immunity necklace or the condo unit. Charles picked the condo unit.

"Hundred percent ko pong pinag-isipang mabuti, condo unit po ang pipiliin ko," Charles answered.

Paolo handed over a huge wooden key to Charles and took the immunity necklace from him. But Paolo said that nobody would receive the immunity necklace until he asked Charles whom he would give it to.

TC ACTIVITY. Paolo then announced an activity for the night’s Tribal Council. He would ask one of the four castaways to leave, and the remaining three would talk about that particular castaway. Amanda was asked first to go to the tunnel.

Paolo : "Si Amanda ba sa tingin mo deserving sa Final 3?"

Charles: "Para sa akin lahat kami deserving."

Justine : "Sa lakas deserving, pero bilang tao hindi. Sila mismo yung nagsasabi na hindi mabibili ng pera ang kaibigan. Pero iba ang nangyayari sa huli, alam mo yung plastic na kapag nirecycle mo puwede mong gawing ibang bagay na naman? Ganoon ko siya nakikita eh. Alam mo dapat yung pangalang binigay sa ’yong chameleon, sa kanya yun napunta. Bagay na bagay sa ugali niya na ngayon ko nakita kung ano talaga siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paolo : "So, Justine sa alyansa ninyo walang leader, walang nagpasimuno?"

Justine: "Walang leader, sa alyansa namin kasi, ang kakaiba sa alyansa namin, mayroon kaming freedom na magsalita at i-express yung iniisip at nararamdaman namin. Walang pumilit sa amin na kahit na sino na buuin at sumapi sa alyansang iyon."

Paolo : "So, right now with you looking at Jef, trying to make a point here, you say na free kayo to express all this and that, so obviously Jef expressed herself freely and now you seem very upset about it? Bakit? Parang magka-conflict ata...

Justine: "Hindi, kasi parang ano e, masama iyong loob ko."

Paolo : "Akala ko ba dapat walang emosyon sa Survivor?"

Justine: "Walang emosyon, pero hindi ko mapigilan kasi para siyang bata."


Survivor Philippines Palau is currently airing its final episodes on GMA-7 this week. The live finale will be aired this Friday, November 13, while the Reunion Special will be aired on SNBO this Sunday, November 15.


PEP PROMO. Two lucky PEPsters will have the chance to personally meet the Pinoy Sole Survivor. Registered users of PEP (Philippine Entertainment Portal) have until November 13 to enter their vote. CLICK HERE to join the online promo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN