Super Inggo returns as an anime character


Super Inggo at ang Super Tropa will air every Sunday morning on ABS-CBN starting November 22, 2009.


Kung dati ay sinubaybayan ng mga manonood si Budong bilang Super Inggo, ngayong Linggo, November 22, makikita siyang muli ngunit bilang isang anime character na! Mapapanood na ang Super Inggo at ang Super Tropa animation series sa susunod na 13 weeks sa ABS-CBN.

Ang Super Inggo at ang Super Tropa ay tnuturing na unang Pinoy anime series na mapapanuod sa bansa. Layunin nito na magbibigay inspirasyon sa bawat kabataang Pilipino na may puso sa pagtulong sa kapwa.

Talagang pinagkagastusan ng Kapamilya network ang seryeng ito na may drama, action at fantasy.

"We are very proud of this project," sabi ni Raymund Dizon, business unit head. "Talagang masasabi naming Pinoy na Pinoy ito."

Base sa impormasyon galing sa ABS-CBN noong 2008, halos 100 tao ang nagtrabaho para mabuo ang anime series na ito. Inaabot sila ng 18 weeks upang matapos ang isang 30-minute episode ng palabas.

Ang Super Tropa ay binubuo nina Budong (Makisig Morales), Jomar (Jairus Aquino), Ken (Joshua Dionisio) at Teg (Andrew Muhlach). Kabilang rin sa mga adventures ng Super Tropa ang ultimate crush ni Super Inggo na si Maya (Kathryn Bernardo).

(CLICK HERE to read related article)

Huwag palampasin ang Super Inggo at ang Super Tropa animation series simula November 22 (Linggo) sa ABS-CBN. Mapapanood ito ng 10:30 ng umaga pagkatapos ng Matanglawin.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN