Boy Abunda hosts reality talk show Bottomline starting November 28


In his new late-night show Bottomline, Boy Abunda will tap a group of six to eight people to brainstorm on the points to be discussed and the questions to be asked from his guest. After the interview, they will make a post-mortem assessment.


Bagong konsepto ang matutunghayan sa reality talk show ni Boy Abunda—Bottomline—na magsisimula na sa November 28 (Sabado) pagkatapos ng Banana Split primetime edition.


Itinuturing na isa sa pinaka-mapagkakatiwalaang host sa Philippine TV si Boy. Nasubaybayan ng mga manonood kung papaano niya sinusuyod ang bawat isyu at kung papaano niya buong tapang na hinaharap ang iba’t ibang klaseng guests mula sa showbiz man o sa pulitika.


Ipinahayag ng production manager na si Vince Rodriguez, "The show didn’t exist outside of Tito Boy, he was really the central figure. So this is really his show. It couldn’t have gone to anyone else. He’s really the central concept of the show."

Dagdag pa niya, "He’s really passionate about it. He’s very excited because this is something that he really wants to do. He’s an excellent conversationalist. He likes talking to people. He likes picking the brains of people. And he’s very well-read. He watches a lot of news and current affairs programs. He likes learning. So I think he enjoys the interviews because he also learns from them."


Namangha rin ang head writer ng show na si Pear Clemente sa host ng bagong show. "Tito Boy is a ’hybrid’ kind of host. He can interview people from different walks of life. Surprisingly, he unfolds the ’human’ side of his interviewee, baring the different aspect of that certain person."


Ang Bottomline ay isang reality talk show na hindi lamang sa mga guests o sa host umiikot ang programa kundi maging sa isang grupo ng iba’t ibang indibidwal na may mga sariling opinyon tungkol sa samut-saring isyu. Sila ay tinatawag na mga "bottomliners."


"We have a pool of bottomliners. Nagpapalit yun depending on the guest. We get six to eight bottomliners from the pool for every episode and through Tito Boy’s interview with the guest, their questions and other issues are answered," paliwanag ni Apples Dela Vega, ang executive producer ng Bottomline.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Matutunghayan ng mga manonood ang actual na proseso ng story development mula sa conceptualization, brainstorming hanggang sa mismong execution ng interview at maging ang assessment ng host at ng mga bottomliners.

Si Boy ang magsisilbing moderator sa buong diskusyon habang ang mga bottomliners ay walang takot na maghahayag ng kanilang mga saloobin. At sa mismong interview, direstsahang ipupukol ni Boy ang mga nalikom na mga katanungan habang sinasaksihan ng mga bottomliners ang question-and-answer sa pamamagitan ng isang monitor sa kabilang kuwarto. Pagkatapos ng panayam, babalik si Boy sa mga bottomliners at hihimayin ang nangyaring interview.


Panoorin ang mga di inaasahang sagot mula sa mga pinakamainit at kontrobersyal na personalidad sa Bottomline simula ngayong Sabado, November 28, pagkatapos ng Banana Split sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN