My Christmas List shows strong bond of two young kids


Aljur Abrenica (left) plays the older version of Joshua Dionisio in the upcoming Dear Friend episode titled "My Christmas List." Joshua’s best friend is played by Barbie Forteza, his leading lady in the GMA-7 drama series Stairway to Heaven.


Tuluy-tuloy na ang pagpasok sa showbiz ng 12-year-old na si Barbie Forteza, na unang napanood as the young Jodi sa Stairway To Heaven. Kasama si Joshua Dionisio, nag-sign sila ng three-year exclusive contract sa GMA Artist Center. Si Joshua ang gumanap na young Cholo, na siyang kapareha ni Barbie sa Stairway To Heaven. It’s clear na sila ang magiging young love team ng GMA-7.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Barbie before the presscon ng first movie niya, Ang Darling Kong Aswang with Vic Sotto and Cristine Reyes. Ang naturang movie ang Metro Manila Film Fest entry ng M-Zet Productions, APT Entertainment and OctoArts Films.

Unang naitanong kay Barbie ang tungkol bago nilang TV show ni Joshua, ang "My Christmas List," ang Christmas presentation ng Dear Friend na ipapalabas simula December 6, after ng SOP Fully Charged.

"Nakapag-taping na nga po kami, under Tito Andoy [Ranay]," kuwento ni Barbie. "Kasama po rin namin sina Tita Eula [Valdes], Tita Manilyn [Reynes], Tito Ramon [Christopher] at kami po nina Joshua, Jhake [Vargas], iyon pong young Tristan sa Stairway To Heaven at iba pang child stars, sina Bea Binene at Crystal Reyes."

Ang "My Christmas List" ay story ng magkakaibigan na nagmahalan at nangako na magsasama hanggang kamatayan. Best friends sila ni Joshua kahit magkaiba ang kanilang outlook sa buhay.

"Ako po rito ay si Abigail, may pagka-boyish, spoiled brat pero masayahin" kuwento ni Barbie. "Joshua is Enzo, na may sakit sa puso kaya lagi siyang malungkutin at pinasasaya ko siya palagi."

Ayaw nang magkuwento ni Barbie, nang tanungin namin bakit lumaki si Joshua into Aljur Abrenica, na special guest nila sa Christmas episode nila, pero walang lumaking Barbie. Basta pakikiligin at paiiyakin daw nila ang mga manonood.

Kumusta naman sila ni Joshua sa pagtatrabaho ngayon, after ng ilang months na natapos na nila ang Stairway To Heaven?

"Mas close na po kami ngayon, hindi tulad noong una na madalas naiilang kami sa isa’t isa, nasa kotse lamang kami at lumalabas kapag magti-take na. Ngayon po, madalas na kaming mag-asaran. Hindi po naman ako napipikon, iyong asaran po namin, may kilig," natatawang wika ni Barbie.

Next month, magsisimula na ring mag-taping sina Barbie at Joshua ng first full-length soap nila, ang My First Luv. Kasama nila dito ang kanilang co-stars sa Stairway to Heaven na si Jhake Vargas (who played the young Tristan) at si Joanna Marie Tan (the young Eunice).

May tentative airing date na ito sa February, kapalit ng Ikaw Sana nina Mark Herras at Jennylyn Mercado na napapanood daily, bago ang 24 Oras sa GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN