Erich Gonzales’ character in Katorse celebrates her debut


A grand debut is prepared for Nene (portrayed by Erich Gonzales) in the ABS-CBN show Katorse. Meanwhile, Gabby (Ejay Falcon) is planning to propose to the mother of his child. Will their characters finally be engaged?


Isang malaking eksena ang dapat abangan ng mga tagasubaybay ng Katorse dahil sa nalalapit na pagdiriwang ng 18th birthday ni Nene. Ginagampanan ng 19-year old actress na si Erich Gonzales ang debutante.


"Pinaghandaan talaga ang eksenang ito," pahayag ni Malu Sevilla, ang direktor ng Katorse. "Pinaglaanan ng maraming oras ang pag-iisip kung papaano naming i-eexecute ang mga eksena."


Dadag naman ni Ivan Cruz mula sa AdProm team ng Katorse, "Makikita mo na malaki na ang in-improve ni Erich. Babaeng-babae siya sa mga debut scenes niya. Her character is continuously changing. Kaya hindi talaga dapat palampasin."


Sa pagpapatuloy ng Katorse, isang marriage proposal kay Nene (Erich) ang binabalak gawin ni Gabby (Ejay Falcon) sa mismong 18th birthday ni Nene. Isang ’Oo’ kaya ang sasambitin ni Nene sa alok ni Gabby?


Alamin ang kasagutan sa Katorse, bago mag-TV Patrol sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN