Roxanne Guinoo and Jake Cuenca have no problems working with each other in Sa Kanya Pa Rin


In Your Song presents Sa Kanya Pa Rin, Roxanne Guinoo and Jake Cuenca portray a couple experiencing problems in their relationship.


Amindao ang mga bida sa Your Song presents Sa Kanya Pa Rin na sina Roxanne Guinoo at Jake Cuenca na naka-move on na sila sa kanilang hiwalayan noon at mas magaan na ang kanilang mga loob na makatrabaho ang isa’t isa.

"Masaya na kami pareho kaya magaan na magtrabaho. Mas madali. Naka-move on na kasi kami ni Rox [Roxanne Guinoo]," pahayag ni Jake. "It’s best to leave the past behind pero hindi ibig sabihin na hindi ko nadala yung mga lessons na natutunan ko. Hanggang ngayon baon-baon ko pa rin yun sa puso ko."

Naalala pa ni Roxanne kung papaano siya umiwas kay Jake noong kahihiwalay pa lamang nila. "Noon kasi siguro may mabigat pa akong dala. Kaya iwas din ako. Pero now, naka-move on na ako, eh. Lahat ng nangyari noon, learning experience siya. Tulad din ng sabi ni Jake, it’s easier now."

Samantala, sa pag-usad ng kwentong kanilang pinagbibidahan, ang Your Song presents Sa Kanya Pa Rin, ikinagulat ni Jordan (Jake) ang biglaang desisyon ni Monica (Roxanne) na makipaghiwalay na dahil nakatagpo na ito ng bagong mamahalin, si Lucas (Ron Morales). Habang nahihirapan tanggapin ang bagong sitwasyon, may makikilala si Jordan na magandang babae sa ’di inaasahang pagkakataon.

Huwag palalampasin ang pagiging kumplikado ng mga kaganapan sa Your Song presents Sa Kanya Pa Rin ngayong Linggo, November 29, pagkatapos ng ASAP ’09 sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN