PMPC honors Johnny Manahan as 2009 Lifetime Achievement Awardee


Johnny Manahan, who has been in the industry for over three decades, will receive the Lifetime Achievement Award during the 23rd Star Awards for Television.


Nang itatag ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang Lifetime Achievement Award, pinangalan nila ito kay Ginoong Ading Fernando, ang sikat na komedyante noong 1970s at naging direktor ng popular na TV series na John en Marsha. Namatay si Mr. Fernando noong 1984, ngunit hanggang ngayon kinikilala pa rin siya bilang isa sa mga "haligi" ng industriya ng telebisyon sa Pilipinas. Bilang pagpupugay sa kanya, ang pinakamataas na karangalan ng PMPC Star Awards for Television ay pinangalan sa kanya.

Ngayong 2009, karagdagan sa prestihiyosong listahang ’yon si Ginoong Johnny Manahan na gagawaran ng Ading Fernando Lifetime Achievement Award.

Ayon sa PMPC, ang award ay para sa kanyang mga natatanging kontribusyon sa daigdig ng telebisyon, bilang isang batikang direktor ng mahigit tatlumpung taon, sa kanyang pagmamahal sa propesyon, sa kanyang walang kuwestiyon na kredibilidad at integridad bilang director-actor-writer, at sa kanyang husay bilang talent manager na patuloy ang pagtuklas at pag-alaga sa mga sikat na kabataang artista ng bansa.

Sinu-sino nga ba ang mga artistang ito na lumaki na ang mga pangalan at patuloy na nagniningning ang kanilang bituin—dahil sa pagma-manage ni Johnny Manahan na mas kilala bilang si "Mr. M" ng showbiz?

Kabilang dito sina Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, Bea Alonzo, Diether Ocampo, Angelica Panganiban, Kristine Hermosa, Sam Milby, Vina Morales, Jake Cuenca, at ang tinuturing na hottest young loveteam ngayon na sina Gerald Anderson at Kim Chiu.

Ilan lamang sila sa mga sikat at iniidolo ng masang Pilipino na mina-manage ni Mr. M sa ilalim ng ABS-CBN Star Magic (na dating kilala bilang Talent Center).

Bilang isang respetado at makabagong "Star-Maker," ayon sa PMPC, siya ang isa sa mga utak na naglunsad ng Ang TV noong 1992 upang mag-develop ng home-grown talents ang Dos. Taong 1995 naman nang "ipinanganak" ang Star Circle, with Batch 1 led by Rico Yan.

Para kay Mr. M, upang sumikat ang isang baguhang artista, importante para sa kanya hindi lamang ang itsura nito, kundi pati na ang talent, charisma, personality, constant reinvention ng sarili, at ang tinatawag na "X-factor."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit sino nga ba si Mr. M bago siya naging isang sikat na "Star-Maker" at television and film director?

Si Juan Ledesma Manahan, o Mr. M, ay ipinanganak noong February 11, 1947. Mula sa Quezon City, ang mga magulang niya ay sina Dr. Constantino Perez Manahan at ang socialite na si Ms. Elvira Ledesma Manahan na nakilala rin sa telebisyon noong araw with her Two For The Road show.

Isang Katoliko, at may taas na 6’2", si Mr. M ay nagtapos ng high school sa Ateneo de Manila noong 1964 at ng kolehiyo naman sa University of California sa Berkeley ng kursong AB Art History noong 1969.


Bago pa man kinilala bilang director-talent manager, ipinamalas ni Mr. M sa kanyang personal na buhay ang pagmamahal niya sa larangan ng sining o arts.

Siya ay naging isa ring visual artist, pintor, at sculptor. Katunayan, dahil sa "passion" niyang ito, nagwagi siya ng "Special Citation" award sa Paris Beinnale of Art noong 1979.

Sa simula ay naging freelance TV director muna si Mr. M, mula 1971 hanggang 1986. Sa mga unang taon niya sa telebisyon, naging direktor siya ng The Big, Big Show, Mana, at 2+2 (sa BBC-2, lumang ABS-CBN). Dinirek niya rin ang Julian Talisman, Kaluskos Musmos, Alab ng Lahi, at Model (sa RPN 9 lahat); Musmos Pa Si Boss , at ang For the Boys (IBC 13).

Pinagdaanan rin niya ang maging "guest director" ng shows tulad ng Two for the Road (GMA 7), In the Money (IBC 13), Mga Kwento Ni Lola (RPN 9), Dina (BBC 2), at Late Hour with June & Johnny (GMA 7).

Humataw nang husto ang directorial career ni Mr. M pagkalipas ng 1986 EDSA Revolution, kunsaan, sa pagbabalik-Channel 2 niya ay naging ABS-CBN Broadcasting Corporation na ang kumpanya.

Sa panahong ito, tunay na ngang "tumatak" sa kamalayan ng Pinoy televiewers ang apat sa pinaka-popular ng TV shows na hinawakan niya as director: ang Chika Chika Chiks nina Nova Villa, Freddie Webb and company (1986-1993); Palibhasa Lalake nina Joey Marquez, Richard Gomez and company (1987-1998); Abangan Ang Susunod na Kabanata nina Anjo Yllana and Tessie Tomas and company (1990-1995); at Ang TV kunsaan nagsimula sina Claudine Barretto, Jolina Magdangal, Camille Prats, Victor Neri, at Paolo Contis (1992-1996).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Minahal rin ng publiko ang kanyang Tonight with Dick and Carmi (1988-1990); Okidok (1993-1994); Home Along Da Riles (1992-1993); Love Ko Si Kris; Kaya Ni Mister, Kaya Ni Misis (1997-2001); at Richard Loves Lucy (1998-2001).

Ilan pa sa mga dinirek niyang shows ay ang Mana Mana (1989-1990), Da Body N Da Guard (2001), Da Pilya N Da Pilot (2001-2002), Eto Na Ang Susunod na Kabanata (2001), Ang TV 2 (2001-2002), Mary D’ Potter (2001-2002), Klasmeyts (2002-2004), OK Fine Whatever (2002), Bida si Mister Bida si Misis (2003-2005), Masayang Tanghali Bayan (2003-2004), MTB: Ang Saya Saya (2004-2005), Yes Yes Show (2004-2005), Bora (2005-2006).

May mga episodes rin siyang dinirek para sa Wansapanataym, Flames, Oka Tokat, Calvento Files, Star Drama Theater, at Maalaala Mo Kaya.


Sa kasalukyan, tatlo ang pinaka-matagumpay niyang hawak na shows na umeere sa Kapamilya network. Ito ay ang ASAP, ang modern and hip Sunday musical variety show ng Dos (mula 1995), Sharon na celebrity talk show ni Sharon Cuneta (mula 2006), at ang super-popular worldwide na Wowowee ni Willie Revillame (mula 2006).

Sa pagitan ng mga taong ito sa ABS-CBN Broadcasting Corporation, lumawak at lumago nang husto ang career ni Mr M. Iba’t-ibang posisyon ang ipinagkatiwala sa kanya ng network management: Director ng Talent Center (1992-1994); Program Director ng Production Department (1994-1996); Vice President ng Talent Development & Management Center (1996-2003).

Hanggang sa siya ay maging Senior Vice President ng ABS-CBN Star Magic (na dating Talent Development & Management Center) mula February 2003 hanggang December 2007.

Nag-retire man siya sa nasabing posisyon noong 2007, nananatili siyang Head at Consultant ng nasabing departamento ng Dos, at masasabing isa na ngang haligi ng Kapamilya Network, respetado hindi lang sa kinabibilangang istasyon, kundi sa buong television industry.

Mula noon, hanggang ngayon, umaarangkada si Mr M bilang direktor rin ng TV specials o special events. Dinirek niya noon ang 1994 Ms. Universe primer specials, Binibining Pilipinas shows, Elite Model Search, Bayaning Pilipino Awards, Catholic Mass Media Awards, atbp.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pati debut TV specials noon nina Bea Alonzo, Camille Pratts, and Heart Evangelista ay ginawa niya, at ang wedding specials nina Cesar Montano-Sunshine Cruz (2000), Aga Muhlach-Charlene Gonzalez (2001), Jules Ledesma-Assunta de Rossi (2004), at Willie Revillame and Liz Almoro (2005).

Sa ngayon ay resident director siya ng Miss Philippines Earth at Miss Earth taun-taon, pati na ang halos lahat ng Christmas at anniversary TV specials ng ABS-CBN, ng Star Magic, etc.

Hindi lang pang-local ang kalibre ni Direk Johnny Manahan. Kahit noon pang 2005, nadala na niya ang buong grupo ng ASAP ’05 sa Amerika upang mag-show sa California at San Francisco, maging sa Tokyo, Japan, na kinagiliwan ng mga Pinoy doon.

Dahil si Mr. M rin ang resident director ng Wowowee ni Willie Revillame, tatlong beses na silang nakapag-show sa Las Vegas (2006, 2007, 2009); gayundin sa Reno at Chicago (2007); Hawaii, New Jersey, at Winnipeg (2008); at Dubai (2009).

Siya rin ang nasa likod ng tagumpay ng Star Magic World Tour sa Ontario, Canada at San Francisco, USA (2009) kunsaan dumagsa ang fans ng Kapamilya stars.

Sa TV concert scene, halos lahat na rin ng superstars sa larangan ng music ay nai-direk na niya sa malalaking venues tulad ng Araneta Coliseum, Aliw Theater, at CCP Main Theater.

Siya ay "suki" na ng concerts nina Zsa Zsa Padilla, Sharon Cuneta, Gary Valenciano, Martin Nievera, Regine Velasquez, Lea Salonga, Pops Fernandez, Piolo Pascual, APO Hiking Society, at Sarah Geronimo.

Si Mr. M rin ang direktor ng kauna-unahang pagsasama nina Martin at Gary sa isang major concert na ginanap noong September 2009 sa Mall of Asia concert grounds na naging very successful. Nag-direk rin siya ng concerts ng ilang foreigners tulad nina Barry Manilow (’90s), Diana Krall (2002), at Andrea Bocelli (2004).

Pati sa pelikula ay nakapag-direk na rin si Mr. M. Siya ang direktor ng Si Aida, Si Lorna at Si Fe (1987), Home Along Da Riles The Movie (1993), Ang TV, The Movie (1996), Wansapanataym The Movie (1999), at Mahal Na Kung Mahal (1999).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bilang writer, siya ang sumulat ng script ng Bea’s Wildest Dreams at 18: Birthday TV Special (ni Bea Alonzo) noong 2005, among others.

Hindi lang director-writer kundi aktor rin si Mr. M. Bihira lang siyang lumabas sa pelikula ngunit espesyal ang kanyang mga naging pagganap, tulad ng sa Ang TV (The Movie); Ang Babae Sa Bintana (Rosanna Roces at Richard Gomez, directed by Chito Roño), noong 1998; at ang award-winning Kubrador (ni Gina Pareño, directed by Jeffrey Jeturian), noong 2006.

Naging image consultant rin siya ni Senator Mar Roxas at PR consultant ng Presidential Campaign ni Senator Miriam Defensor-Santiago noong 1990s.


Mapapanood ang 23rd Star Awards for TV sa ABS-CBN ngayong Linggo, November 29, sa Sunday’s Best timeslot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN