Wendy of PBB finishes her Mass Communications course

by Jocelyn Dimaculangan
Apr 18, 2007
Pinayagan lumabas ng Big Brother house si Wendy Valdez noong April 16, Lunes, upang tanggapin ng personal ang kanyang diploma para sa kursong Mass Communications sa Far Eastern University.

Matapos ang walong taon ng pinagsabay na pagtatrabaho at pag-aaral sa kolehiyo ay nakuha na rin ni Wendy ng Pinoy Big Brother Season 2 ang pinaka-aasam-asam niyang diploma sa kursong Mass Communications sa Far Eastern University.

At bilang regalo sa araw ng kanyang pagtatapos, pinayagan ni Big Brother si Wendy na tanggapin ng personal ang kanyang diploma sa mismong araw ng graduation niya noong April 16, Lunes.

Ipinatawag ni Kuya ang dalaga sa confession room para sabihin ang magandang balita at ang kondisyon sa kanyang paglabas sa Big Brother House: "'Pag nakalabas ka, di ka pwedeng makihalubilo o makipag-usap sa kahit na sino sa pagtanggap mo ng iyong diploma, papayagan lang kitang tumuntong ng entablado at pagkatapos ay kailangan ka nang bumalik...mahigpit ko itong pinagbabawal kung hindi ay baka hindi ka na makabalik sa aking bahay."

Agad na pumayag si Wendy sa kondisyon ni Kuya at nagbihis na para sa kanyang much-awaited graduation day. Maya-maya pa'y may dalawang make-up artists na pumasok sa confession room para tulungan sa paghahanda ang dalaga.

Continue reading below ↓

Naghihinala man ang ibang mga housemates sa tunay na dahilan ng pagpasok ni Wendy sa confession room ay wala pa rin silang kasiguraduhan kung saan ito nagpunta at kung bakit hindi na ito lumabas pa ng nasabing kwarto.

Sa pagtatapos na ito ni Wendy ay muli niyang pinatunayan na walang imposible sa taong determinado.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinayagan lumabas ng Big Brother house si Wendy Valdez noong April 16, Lunes, upang tanggapin ng personal ang kanyang diploma para sa kursong Mass Communications sa Far Eastern University.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results