Raymond Gutierrez admires the Final 14 of StarStruck V


StarStruck V host Raymond Gutierrez declares that he will never join a reality show. But he openly says that he admires reality show contestants, especially the Final 14 of this reality artista search.


Kamakailan, tinanong ng press si Raymond Gutierrez, isa sa mga hosts ng StarStruck V ng GMA-7, kung ano ang masasabi niya sa napiling Final 14 sa naturang reality artista search.


"Feeling ko, itong batch na ito, tinitingnan ko, ’yong mga girls puwedeng maging leading ladies lahat, or host ng SOP. "Tapos ’yong boys naman puwedeng maging matinee idols or ’yong mga nakikita ko sa mga billboards, ganyan.


"Parang if you look at this batch, you can imagine them as stars already, di ba," umpisang sinabi ni Raymond nang nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa launch ng Final 14, na kinabibilangan nina Ian Batherson, Enzo Pineda, Piero Vergara, Rye Burgos, Sef Cadayona, Rocco Nacino at Steven Silva among the males at sa mga girls naman ay sina Diva Montelaba, Fianca Cruz, Nina Kodaka, Princess Snell, Rox Montealegre, Sarah Lahbati,at Zeryl Lim.


"Iyon ang importante, ’yung potential, nandun kasi... yun yung first step."


Ayon pa rin kay Raymond, hindi lang looks o itsura ang mahalaga para maging sikat na artista ang kahit na sinong baguhan.


"We also keep reminding them na not everything is based on looks din naman. Sabi ko, it’s professionalism. At the end of the day, if nobody wants to work with you, you’re not going be hired, di ba?"

Dagdag pa ni Raymond: "Kailangan yung pakikisama mo sa tao, sa mga katrabaho mo, pati na rin sa mga reporters. Sabi ko sa producers, na i-brief na sila na ang press people, talagang lagi nilang nakikita ang mga ’yan so you have to be polite and you have to be comfortable.


"Kasi yung iba they put a wall kapag press kasi iisipin nila na ’Ay naku, baka halungkatin ang buhay ko!’


"So at this early point pa lang in their career, kailangang alam na nila na the press people will always be there, na if you’re nice to them, they’ll be nice to you, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Gaano kaimportante ang attitude sa isang nais maging artista?


"You know, unfortunately, if you look back, di ba yung iba didn’t make it that big and a lot of people are saying it’s because of their attitude


"So this early, kailangan itong Final 14 pagsabihan na, and to imbed in their brains na kailangan dito, professional ka.


"At saka kung ayaw mo, marami pang iba diyan na puwedeng i- build-up, marami pang gustong mag-artista.


"Everybody wants to be in your shoes, so you always have to take care of your spot in the industry kung anuman yung puwesto mo, kung anuman yung lugar mo sa industriya, kailangan alagaan mo kasi next day puwedeng kunin sa ’yo yun.


"So yun, so yung five years na yun, yung iba dun may mga attitude, so they didn’t make it so big, but GMA is nice enough naman to give some of them a second chance, di ba?


"So ganun lang ka-importante talaga ang attitude. It’s one of the main factors na no matter na you have all the talent in the world, you could be the best actor on the world, kung ayaw kang makasama ng mga tao, no one’s hiring you."


Nang pinapili ng PEP si Raymond ng isang babae at isang lalaki among the 14 na sa tingin niya ay angat sa karamihan, nagpakatotoo lang siya nang sabihin niyang, "Actually I didn’t get the chance to be close to them yet, so I always keep an open mind kasi hindi ko pa naman sila masyadong nakikita, na [kung ano] yung talent nila, hindi ko pa sila nakakasama talaga.


"So I think it will start na dito sa Final 14, yung personal talaga na puwede na silang matutukan. So the night na pinili yung Final 14, I kept an open mind, sabi ko, ganun naman talaga sa competition.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


"And it’s five years na nating ginagawa ito, so more or less I prepared myself naman, ganun naman talaga ’to."


MISSING JOLENS. Ang mga kasama ni Raymond na hosts ng StarStruck V ay sina Carla Abellana at Dennis Trillo.


Aminado si Raymond, nami-miss niya si Jolina Magdangal, na dating host ng StarStruck.


"You know what, I do! I really miss hosting beside Jolina because si Jolina, siya yung nagdadala ng fun kasi, di ba, minsan ako serious na yung mga importanteng sasabihin, kailangang mabigkas ko nang maayos, kung hindi baka malito yung mga audience.


"So si Jolina, siya yung nakiki-adlib or meron siyang mga side comments. Iyon yung mga nakaka-miss sa kanya because she makes everything light, na despite na tanggalan or serious, si Jolina she makes everything light.


"So I really miss hosting with her. And I don’t see her na rin kasi we’re both not in SOP na, so I hardly see her but I bumped into her in one event and we were able to catch up a bit."


Dati ring host ng StarStruck si Dingdong Dantes.


"Maganda ring kasama si Dingdong kasi, siyempre, he’s been a host for so long, so masarap siyang kabatuhan."

,
COURAGEOUS BATCH.
Kung si Raymond ay isang ordinaryong tao, sasali ba siya sa StarStruck?


"Honestly, no! Because ... that’s why I give so much credit to these kids, for their courage...grabe! Hindi biro yung bigla kang itapon sa dance workshops, then the next day acting, the next day modeling naman, tapos question-and-answer naman.


"So, parang it’s so ... I mean, it’s beneficial because parang yung road to success, parang andun na pero mahirap din kasi open sa buong mundo.


"’Andiyan na ang YouTube, di ba? Kapag hindi mo napanood i- YouTube mo na lang. Open sa buong mundo how you got there, kung ano yung ginawa mo, di ba? So, ang hirap nung vulnerable ka, tapos ipapakita yun sa buong mundo."


Raymond declares that he will never join a reality show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


"That’s why yung Extra Challenge, kinukuha ako dati, sabi ko, ’No, sorry!’ Never akong nag-Extra Challenge kasi nga surprise, hindi nila sasabihin kung ano ang gagawin ko, so sabi ko ayoko, dapat i-brief ninyo ako kasi ayoko talaga ng ganun.


"So I admire these kids kasi everyday they’re doing something different and it’s hard."


StarStruck V
airs every Saturday right after Pinoy Records and every Sunday after Kap’s Amazing Stories, while StarStruck Shout Out airs Mondays to Fridays after Chika Minute Explosive on GMA-7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN