Stairway to Heaven cast members hold grand fans day on Dec 6



Bilang pasasalamat sa fans ng Stairway to Heaven, magkakaroon ng grand fans day ang programa ngayong Linggo, December 6, bilang pasasalamat sa lahat ng tumangkilik at nagmahal sa leading drama show ng GMA-7.

Tiyak na mapupuno ng kilig at kasiyahan ang araw na ito dahil present ang buong cast sa pangunguna ng lead stars na sina Dingdong Dantes at Rhian Ramos.

Makakasama rin sina Jean Garcia, Glaiza de Castro, TJ Trinidad, Sandy Andolong, Jestoni Alarcon, Soliman Cruz, Joshua Dionisio, Barbie Forteza, Joana Marie Tan, Jhake Vargas, Karen delos Reyes, Carlo Gonzales, and Paul Holme.

Bukod sa inihandang production numbers ng mga bida, siksik na siksik sa sorpresa ang araw na ito dahil may acting challenges, games at non-stop na kantahan at sayawan para sa lahat ng avid fans ng programa.

Live na live ito kaya walang lusot na sasagutin ng cast ang mga tanong ng kanilang fans.

Ito na ang pagkakataon ng lahat ng sumusuporta at patuloy na tumatangkilik at nagmamahal sa Stairway to Heaven na makapiling ang ating mga bida, lalo na sa huling linggo ng drama series.

Inaanyayahan ang lahat na pumunta sa Skydome ng SM North EDSA simula 10 am ngayong Linggo, December 6. Ang unang 600 fans ay papapasukin ng libre.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN