Barbie Forteza bullies Joshua Dionisio’s character in My Christmas List


Barbie Forteza (right) bullies the new kid in school, portrayed by Joshua Dionisio in the Christmas presentation of Dear Friend titled "My Christmas List."


Kilig na kilig ang mga bagets na sina Barbie Forteza, Joshua Dionisio at Jake Vargas, nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng kanilang first solo drama series na My Christmas List.

Mapapanood ito every Sunday, after SOP Fully Charged for the month of December. Ito ang Christmas presentation ng Dear Friend, hosted by Marvin Agustin and Jolina Magdangal.


Unang napanood sina Barbie, Joshua at Jake sa Stairway to Heaven bilang young Jodi, Cholo and Tristan, respectively.


Kumusta naman ang pagtatrabaho muli nila after ng Stairway to Heaven?


"Mas comfortable na po kaming magtrabaho ngayon sa isa’t isa," nakangiting sagot ni Barbie. "Kaya po kaya na naming mag-asaran sa set at kahit po dito sa presscon, nag-aasaran pa rin kami. Makulit po si Joshua, pero mabait siya."


Kuwento naman ni Joshua, "Mas enjoy na nga po kaming magtrabaho, di tulad namin noon ni Barbie, madalas po nasa car lamang namin kami kapag hindi kami nagti-take. Pero ngayon po, nagkukuwentuhan na kami, madalas inaasar ko siya, buti po hindi siya napipikon. Mabait po si Barbie, saka beauty siya, di po ba?"


Mas marami raw nakakakilala sa kanya ngayon at "Cholo" pa rin daw ang tawag sa kanya ng mga tao kapag nakikita siya. Nasa third year high school na siya sa home study sa San Lorenzo High School. Nagpaalam naman daw siya sa ABS-CBN nang maayos since wala na raw naman silang ibinibigay na bagong project sa kanya. Sa December 14, Joshua will turn 15 years old.


Biniro namin si Jake na bakit ang tahi-tahimik niya?

"Hindi po, shy po lamang ako pero makulit din ako sa set, kapag nagkakasama-sama kami," nakangiti niyang sagot. "Happy po ako na muli kaming magkakatrabaho after ng Stairway to Heaven. Best friends kaming tatlo."


Ano ang story ng My Christmas List?


"Ang story po nito tungkol sa two young people who dare to make the greatest commitment of all: love each other every single day, forever, even after death," wika ni Barbie. "Ako po si Abby, very strong ang personality ko at one of the boys. Madalas ko pong makalaban si Enzo [Joshua], binu-bully ko siya pero later on, magiging magkaibigan din kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


"Bagong lipat po ako sa school nina Abby," sabi ni Joshua. "Tahimik po lamang ako sa mga ginagawa niya sa akin dahil hindi ko pa siya masyadong kilala, until ginawa kaming partner ng teacher namin sa isang science project at doon nagsimula ang friendship namin. Our beautiful friendship blossoms into romance, pero nagkaroon po ng complication nang malaman ni Abby na may heart condition ako."


"Mula po doon, ako na ang magiging tagapagtanggol ni Enzo, pero hindi po makikisama sa amin ang tadhana. Iyon po, sana po subaybayan ninyo kung ano ang mangyayari sa love namin ni Enzo."


Bukod kay Jake who plays their best friend Otep, kasama rin nila sa Christmas special sina Eula Valdes as Gina, mother ni Enzo; Manilyn Reynes, as Aunt Raquel ni Abby; Ramon Christopher as Manny; Mosang as Yaya Auring ni Enzo; Raffy Romillo as Mr. Pineda and child stars Bea Binene as Jill and Krystal Reyes as Claire.


From the script of Denoy Navarro-Punio, My Christmas List is directed by Andoy Ranay.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN