Luis Manzano and Carmen Soo’s characters try to surpass cultural differences in MMK


Rey (Luis Manzano) and Maria (Carmen Soo) fight for their love in the December 12 episode of Maalaala Mo Kaya.


For the first time, mapapanood nating magkasama sa isang very romantic episode na tampok sina Luis Manzano and Malaysian actress Carmen Soo.

PMPC’s Best Drama Anthology awardee, Maalaala Mo Kaya, will air an episode that shows how love can go beyond race, distance, and culture.

Ang December 12 episode ng MMK ay mula sa direksyon ni Henry Quitain.

Sa pagharap ni Maria (Carmen Soo) sa bagong buhay niya dito sa Maynila, nakilala niya si Rey (Luis Manzano). Si Maria ay mula sa isang royal family sa Malaysia ngunit tatalikuran niya ang lahat ng kanyang nakasanayan, lahat ng kanyang paniniwala, para sa pag-ibig sa lugar at panahong bago sa kanya. Kakayanin kaya nila ang pagsubok na pagdadaanan nila?


Bagong challenge na naman ito kay Carmen, who returns to Philippine television after being paired with Jericho Rosales in the teleserye nominated for the 37th International Emmy Awards, Kahit Isang Saglit.

Ito naman ang follow-up project ni Luis na huling napanood sa Star Cinema movie na In My Life kung saan gumanap siya na isang homosexual.

Abangan tuwing Sabado ang Maalaala Mo Kaya pagkatapos ng The Singing Bee.

Cast:

Carmen Soo - Maria
Luis Manzano - Rey
Lui Villaruz - Benjie
Arlene Muhlach - Benny (Rey’s Mother)
Mike Lloren - Rey’s Father
Gladys Reyes - Marlyn
Maria Isabel Lopez - Minerva (Maria’s Mother)
Ricardo Cepeda - Rahim (Maria’s Father)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN