Luis Manzano praises Carmen Soo for being a "great actress"


Luis Manzano and Carmen Soo are paired for the first time in the December 12 episode of Maalaala Mo Kaya. Their characters try to overcome a long-distance relationship and cultural differences.


Sa unang pagkakataon ay mapapanood sina Luis Manzano at Malaysian actress Carmen Soo as love team partners sa Maalaala Mo Kaya. Ang naturang show ng ABS-CBN ay tinanghal bilang Best Drama Anthology ng Philippine Movie Press Club sa ika-23rd Star Awards for Television.


Ang December 12 episode ng Maalaala Mo Kaya mamayang gabi, na mula sa direksyon ni Henry Quitain, ay tatalakay tungkol sa pagiibigan ng dalawang tao na magkaiba ang kulay at lahi na hindi nagpatalo sa kabila ng distansya at pagkaka-iba ng kanilang kultura.


Makikilala ni Maria (Carmen Soo) si Rey (Luis Manzano) sa pagtahak niya ng bagong buhay sa Maynila. Tatalikuran ni Maria ang lahat ng kanyang nakasanayan, lahat ng kanyang paniniwala, para sa pag-ibig sa lugar at panahong bago sa kanya.


Bagong challenge ito para kay Carmen na nagbabalik sa drama show on Philippine television pagkatapos ng matagumpay na first teleserye niya sa ABS-CBN na Kahit Isang Saglit. Ganito rin ang pakiramdam ni Luis na matagal-tagal din na hindi napanood sa programa ni Ms. Charo Santos Concio.


"Siyempre may mga pagdadaananan sila [Maria at Rey] but they overcame all the trials. Nasa Malaysia siya and Filipino ako. Carmen is unbelievable and she’s a great actress. Sobrang professional at ang galing," papuri ni Luis kay Carmen.


Proud na kinuwento ni Luis na nakilala nila mismo ni Carmen ang letter sender ng episode mamayang gabi sa Maalaala Mo Kaya.


"It’s a love story at nakasama namin sila. Humanga ako kasi iba talaga ang story nila," sabi pa ni Luis.


Makakasama rin nina Luis at Carmen sa MMK episode nila sina Lui Villaruz, Arlene Muhlach, Maria Isabel Lopez, Mike Lloren, Ricardo Cepede at Gladys Reyes.


Samantala, itinanggi ni Luis na ipinadaan pa niya kay Carmen ang pagbati niya sa kanyang ex-girlfriend noong nasa New York ang dalawang aktres ng ABS-CBN para sa International Emmy Awards kamakailan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


"That’s not ture. Hindi ko na kailangang dumaan pa kay Carmen. I have Angel’s number and we still communicate naman. We talk and we’re friends pa rin despite of what happened to our relationship," paliwanag ni Luis.


Mapapanood ang Maalaala Mo Kaya tuwing Sabado pagkatapos ng The Singing Bee sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN