May bagong mukha ang radyo sa telebisyon--ang TeleRadyo

by Jocelyn Dimaculangan
Apr 24, 2007
Bukod sa Pilipinas, mayroon ring TeleRadyo sa bansang South Korea. Mapapanood na ang mga radio announcers at reporters ng DZMM Radyo Patrol Sais-Trenta sa piling cable channels. Ayon kay Mr. Peter Musngi, vice-president for Manila Radio Division and Sports, bagamat radio-oriented ang mga DZMM announcers, pwede na rin silang magpakita ng footages and still pictures ng mga kaganapan na kinikuhaan ng kanilang mga reporters.

Simula noong ika-12 ng Abril, ang DZMM Radyo Patrol Sais-Trenta ay hindi na lang naririnig kung hindi napapanood pa. Sa layuning mapalawak pa ang pagseserbisyo sa publiko at makaabot pa sa mas maraming tao, inilunsad ng AM radio station na ito ang TeleRadyo.

Sa pamamagitan ng DZMM TeleRadyo, madadagdagan ang mga serbisyong iniaalok ng DZMM 630 kHz sa sambayanang naghahanap ng pinakabagong mga balita at impormasyon. Ngayon, magkakaroon na ng "mukha" ang mga balita sa pamamagitan ng mga larawan at videos na maaaring mapanood sa Teleradyo.

Ayon kay Peter Musngi, vice-president for Manila Radio Division and Sports, panahon na upang magbago ang radyo upang bumagay sa makabagong panahon. "Radio has to evolve kasi marami nang ibang klase of media ngayon. Radio has to compete with television, the iPod, the Internet, cellphones, and other electronic gadgets."

Ngunit, hindi raw ibig sabihin nito ay magmi-migrate na ang radyo sa telebisyon at kakalimutan ang mga katangian ng DZMM na kinagiliwan at tinangkilik ng mga tagapakinig sa loob ng mahigit dalawampung taon.

Continue reading below ↓

Isinalaysay ni Mr. Musngi sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na noong una ay isang spy camera lang ang gagamitin nila para sa proyektong ito pero nang tumagal, naisipan nila na gumamit ng tatlong camera—isang lipstick camera at dalawang robotics. Ginanap ang press con ng TeleRadyo sa 9501 restaurant sa ABS-CBN compound noong ika-18 ng Abril.

Isa sa mabuting epekto ng TeleRadyo ay ang pagbibigay pagkakataon sa mga tagapakinig na makita nang personal ang kanilang mga idolo. Aniya, "It strengthens the relationship of the listeners and radio announcer. Mas personal ang relationship...'eto ang boses [ng announcer], 'eto ang mukha niya."

Sa hinaharap, maraming nakikitang possibilities si Mr. Musngi para sa TeleRadyo. "Ang TeleRadyo is temporarily on cable. Because ang talagang patutunguhan nito po ay yung ating digital channel. It's called DTT or digital terrestrial television. ABS-CBN is leading towards digital. Ang U.S., by 2009, will be completely migrating to the digital platform. I-aabandon na po yung analog, sa atin by 2014 yata."

Continue reading below ↓

"DZMM TeleRadyo, ultimately, will be one of the eight new channels that will be offered on soon-to air digital television. ANC, on the other hand, will still rule cable [television]. The market of ANC and cable [TV] is more AB and upper C. Kami naman po will be more on the C, both CD," explains Mr. Musngi.

Mapapanood na ang DZMM TeleRadyo sa Ch. 22 ng Skycable at Homecable.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bukod sa Pilipinas, mayroon ring TeleRadyo sa bansang South Korea. Mapapanood na ang mga radio announcers at reporters ng DZMM Radyo Patrol Sais-Trenta sa piling cable channels. Ayon kay Mr. Peter Musngi, vice-president for Manila Radio Division and Sports, bagamat radio-oriented ang mga DZMM announcers, pwede na rin silang magpakita ng footages and still pictures ng mga kaganapan na kinikuhaan ng kanilang mga reporters.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results