The Aquino sisters will play in GMA-7’s game show, Family Feud


Ballsy Aquino-Cruz (left) and Pinky Aquino-Abellada will guest in tonight’s episode of Family Feud. This episode will air on GMA-7 today, January 26.


Magiging extra special ang bonding ng buong pamilya dahil makikisaya sa Family Feud ang Aquino sisters sa celebrity week special simula January 25 hanggang January 29.

Ngayong Martes, January 26, haharap ang Aquino sisters na sina Pinky Aquino-Abellada at Ballsy Aquino-Cruz sa game show na hosted by Dingdong Dantes. Makakasama nila ang mga pamangkin na sina Jiggy Cruz at Miguel Abellada laban sa Fantastic 4, ang apat na honor guards na sumama sa funeral cortege ni former President Corazon Aquino. Ang mga honor guards ay sina Seaman First Class Gilbert Atienza, Private First Class Antonio Cadiente, Airman Second Class Gener Laguindan and Petty Officer Second Class Edgardo Rodriguez. Kaabang-abang ang labang ito dahil game na game sumagot ang dalawang grupo.

Sa Miyerkules, January 27, maghaharap ang pamilya ni Gladys Guevarra laban sa pamilya ni Love Añover. Regular families ang magpapagalingan sa pagsagot ng top answers sa Huwebes at sa Biyernes, ang Men of the ’80s na sina Randy Santiago, Louie Heredia, Gino Padilla at Raymond Lauchengco ang magpapagalingan ng diskarte laban sa Legends of OPM na sina Rico J. Puno, Eva Eugenio, Rey Valera at Imelda Papin.

Kasama ang gwapong gamemaster na si Dingdong Dantes, tunghayan ang Celebrity Week Special ng Family Feud hanggang January 29, 2010 bago mag-Ikaw Sana sa GMA-7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN