Gladys Guevarra returns to "Eat Bulaga!" as regular co-host

by Rose Garcia
Apr 24, 2007
Upon her return from a US vacation, Gladys Guevarra, says a PEP source close to the singer-comedienne, will also make a comeback in Eat Bulaga!, the noontime show she left last January.


Bukas, April 25, daw ang dating ni Gladys Guevarra from her three weeks vacation in San Diego, California. Ang pagpunta raw ni Gladys sa US ay purely vacation lang at walang halong trabaho. Isang bagay na matagal na rin daw wini-wish na magawa ng comedienne-singer dahil sa sunud-sunod nitong trabaho.



Ayon sa source ng PEP (Philippine Entertainment Portal), na masasabing pinaka-malapit na tao kay Gladys sa showbiz, sa pagbalik ng singer-comedienne sa Pilipinas, ay possible raw na anytime this week ay makita at mapanood na muli si Gladys sa iniwanang noontime show na Eat Bulaga!.

Yes, balik co-host muli si Gladys sa Bulaga! Pero unlike before na araw-araw itong napapanood, this time daw ay thrice-a-week na lang muna raw. Yun ay sa kahilingan na rin ni Gladys na hangga't maaari raw ay gusto pa ring magkaroon ng oras upang makapagpahinga.



Ayon pa sa aming source, dumating na raw kasi si Gladys sa puntong ayaw na nito nang ngaragang trabaho. Understandable naman daw ang rason ni Gladys dahil tila 12 anyos pa lang siya ay nagtatrabaho na siya.

Continue reading below ↓



Kuwento rin ng PEP source, malakas daw talaga sa survey si Gladys. Isa siya sa mga co-hosts ng Eat Bulaga! na nire-request ng mga taong mapanood pa rin sa nasabing noontime show ng TAPE Inc. at GMA-7.

Kung matatandaan, last January ay nag-file ng resignation letter si Gladys sa Eat Bulaga!, at ang reason na ibinigay nito ay her health problem. Yun nga lang, kahit ilang beses nagpa-interview si Gladys, marami pa rin ang hindi naniwala sa ibinigay na rason ng komedyana. Tila mas marami ang gustong maniwala na ang biglaang resignation nito ay may kaugnayan sa isyu sa kanila ni Janno Gibbs.



Anyway, when PEP asked the person close to Gladys kung hindi ba magiging problema sa pagbabalik-Eat Bulaga! ni Gladys si Janno, na isa rin sa mga co-hosts ng show, lalo pa't sa kasalukuyan ay may isyu na naman sa pagitan nila. Positive ang source namin na hindi raw magiging problema ito kay Gladys, not because nagka-ayos na ang dalawa at puwede na muling mag-work together, kundi dahil isang buwan na halos hindi na nagre-report si Janno sa Eat Bulaga!. Walang ideya ang source namin kung wala na ba ito sa naturang noontime show or nag-leave lang.

Continue reading below ↓



Ganunpaman, since thrice-a-week lang naman daw si Gladys sa Eat Bulaga! at si Janno naman ay madalas na wala, malamang daw na hindi na lang magsasabay ang dalawa ng araw sa pagiging co-hosts ng show.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Upon her return from a US vacation, Gladys Guevarra, says a PEP source close to the singer-comedienne, will also make a comeback in Eat Bulaga!, the noontime show she left last January.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results