"Showbiz Central" airs this Sunday, April 29

by Dinno Erece
Apr 27, 2007
(From left) John "Sweet" Lapus, Pia Guanio, and Raymond Gutierrez host GMA-7's newest showbiz talk show, Showbiz Central, which will premiere on April 29.

Magpa-pilot na this Sunday, April 29, sa GMA-7 ang replacement show ng S-Files, ang Showbiz Central. It will have three regular hosts—sina Pia Guanio at John "Sweet" Lapus from S-Files, and a new addition, si Raymond Gutierrez. Tatlo lang daw talaga ang hosts sa show since it was first conceptualized at walang ika-apat gaya ng unang naibalita.

Naibalita kasi noon that DJ Mo Twister will also be part of the regular hosts of Showbiz Central. Ito ang dahilan kung kaya't during the press con of the show na ginawa noong April 25 sa Annabel's restaurant, hinahanap ng entertainment press si Mo.

Sabi ng executive producer ng Showbiz Central, Mo will be in one of the first groups of showbiz experts who will sit as "Central Jury." Every week, tatlo ang ang makakasama nina Pia, John, and Raymond na Central Jury, who will bring in-depth views and upfront opinions on the subjects of the show. Live ito, hindi katulad ng naging template sa S-Files, so interactive talaga ang magiging participation nila.

Continue reading below ↓

One month or four weeks ang duration ng bawat Central Jury.

Sa usaping dadalhin daw ni Mo sa TV ang kanyang controversial segment sa radio show niyang Good Times With Mo na "Forbidden Questions," sinabi ng executive producer ng Showbiz Central na puwede rin daw ito. Pero ayon sa EP, hindi kakayanin ang haba kung 40 questions ang itatanong sa guests. Baka iklian na lang daw ito to 10 questions.

Although hindi na-mention, tiyak na hindi gagawin ang ilang mga dares ng "Forbidden Questions"—like "showing of the puppies" for the female guests and "showing of the wang" for the male guests, at pati na rin ang making-out part.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(From left) John "Sweet" Lapus, Pia Guanio, and Raymond Gutierrez host GMA-7's newest showbiz talk show, Showbiz Central, which will premiere on April 29.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results