StarStruck V will conduct fashion show at Trinoma Mall


Rocco Nacino, Steven Silva, Enzo Pineda, Diva Montelaba, Sarah Lahbati and Nina Kodaka will conduct a fashion show at Trinoma this Thursday, February 4.


Matapos ang kanilang successful Dream Flicks, isasalang naman ang anim na survivors sa isang major production sa ilang drama shows ng GMA-7 sa StarStruck Shout Out.

Saksihan ang matitinding eksena na ginawa ng Final 6 kasama ang bigating stars ng programang The Last Prince, Sine Novela’s Ina Kasusuklaman Ba Kita? at Gumapang Ka Sa Lusak. Dito na masusubukan ang husay sa pag-arte ng natitirang survivors at mabigyan sila ng pagkakataon na maranasan ang totoong buhay-artista.

Sino kaya kina Rocco Nacino, Steven Silva, Enzo Pineda, Diva Montelaba, Sarah Lahbati at Nina Kodaka ang papasa sa council members? Mapantayan kaya nila ang galing ng kanilang mga kaeksenang artista?

Samantala, magkakaroon ng isang sexy fashion show ang Final 6 ngayon, February 4, 7 pm, sa Trinoma Mall. Hosted by Raymond Gutierrez, admission is free kaya’t inaanyayahan ang lahat ng kanilang fans at supporters na panoorin ang pagrampa ng kanilang paboritong survivors.

Makakasama rin nila sa bonggang fashion show ang StarStruck V Avengers at ilang StarStruck alumni.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN