It's a star-studded season-ender in The Singing Bee

Feb 4, 2010
Cesar Montano's The Singing Bee will end with a high note. Consistent on its high-ratings, the show will end with a star-studded episode this coming Saturday, February 6.

Mga bigating pangalan sa showbiz ang maglalaban at magbibiritan ngayong Sabado, February 6, sa season-ender ng The Singing Bee.

Darating ang Showtime judge na si Vice Ganda kasama ang mga komedyanteng sina Ethel Booba at Long Mejia; ang mga singers na sina Karylle, Bugoy Drilon, at Nyoy Violante; at mga beauty queen na sina Miriam Quiambao, Precious Lara Quigaman, at Carlene Aguilar para paglabanan ang premyong P2 milyon.

Hindi rin papahuli ang mga basketball players na sina Ryan Araña, Alex Crisano, at Ronald Tubid at ang mga sexy comedienne na sina Angelica Jones at Janna Dominguez. Kasama rin si Smokey Manaloto.

Consistent ang mataas na ratings ng videoke show ni Cesar Montano kaya naman siguradong mami-miss ito ng mga manonood. Itong taon nga lang, pasok lagi sa Top 5 ang The Singing Bee sa mga programa tuwing Sabado base sa overnight ratings ng TNS Media Research.

Anong team kaya ang huling champion ng season 5 ng The Singing Bee? Huwag palampasin ang huling bonding ng BEEkada sa The Singing Bee ngayong Sabado, pagkatapos ng Pepeng Agimat sa ABS-CBN.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Cesar Montano, Vice Ganda
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cesar Montano's The Singing Bee will end with a high note. Consistent on its high-ratings, the show will end with a star-studded episode this coming Saturday, February 6.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results