Tina Somelic becomes Reyna Elena in PBB

by Jocelyn Dimaculangan
Apr 26, 2007
2007-04-27 Ibinahagi ni Tina Somelic ang kanyang nararamdaman sa pagtira sa Bahay ni Kuya: "I'm really happy to be here...everything is nice, beautiful, and positive...it would have been a big mistake if I didn't come here...I want to see them when we get out of the house...Mickey plans to go to Slovenia by summer." Si Tina ang gumanap na Reyna Elena samantalang si Mickey naman ang kanyang escort sa ginanap na Santacruzan.

Upang iparamdam ang warm Filipino hospitality, isang salo-salo ang inihanda ni Kuya at ng mga Pinoy Big Brother Season 2 housemates para sa Slovenia Big Brother housemate na si Tina Somelic.

PINOY PICNIC. Naglatag ng dahon ng saging ang mga housemates sa garden at kinamay ang mga pagkaing inihanda ni Kuya.

Enjoy na enjoy si Tina sa picnic style ng mga Pinoy at kinamay ang paborito niyang talbos ng kamote na sinawsaw sa bagoong na isda.

Bukod sa paglasap ng mga pagkaing "only in da Philippines," hinirang din bilang Reyna Elena si Tina sa ginanap na Santa Cruzan sa loob ng Bahay ni Kuya.

Hindi lamang basta parada ang ginawa ng mga housemates dahil isinadula pa ng mga ito ang tunay na papel ni Reyna Elena sa kasaysayan ng Simbahang Katoliko.

Sa una ay inakala ni Tina na gawa-gawa lamang ang kwento ni Reyna Elena, pero nang ipaliwanag ni Mickey ang tunay na pinagmulan ng nasabing katauhan ay natuwa si Tina at sinabing isang karangalan para sa kanya ang gumanap bilang Reyna Elena.

Continue reading below ↓

STREET FOOD 101. Mala-Fear Factor ang dating ng special dinner nila Tina at Nel sa pool side ng Bahay ni Kuya matapos alukin ang Slovenian housemate na kumain ng ating very own balut.

Pagkatapos ganapin ang winter-to-summer fashion showng mga housemates ay nagbigay ng isang game si Kuya kung saan itatapon ng mga housemates ang lahat ng kanilang sinuot sa pool at ang unang makakapagsuot ng lahat ng kanyang damit ay may special dinner with Tina.

Mukhang desidido talaga si "Mr. Perfect" na lubus-lubusin ang mga nalalabing araw ni Tina sa Big Brother House dahil nag-effort talaga ito at nanalo sa nasabing pa-contest ni Kuya.

Pinagsaluhan nina Tina at Nel ang isang plato ng street food na naglalaman ng adidas, isaw, squidball, fishball, at kwek-kwek.

Nag-enjoy ang Slovenian housemate sa lasa ng mga nabanggit na pagkain pero hindi niya nakayanan ang itsura ng balut.

Sinubukang mag-cheer ng mga housemates para suportahan si Tina sa pagkain ng balut pero hindi talaga niya carry na ilagay ito sa kanyang bibig.

Nag-demonstrate pa si Gee-Ann kung paano ito kainin pero wa-epek pa rin dahil naiyak na si Tina habang pinagmamasdan ang itik.

Nang ipatawag ni Big Brother si Tina sa confession room, humingi ito ng paumanhin sa ‘di pagkain ng balut at di umano niya sinasadyang bastusin ang mga Pilipino sa kanyang pagtanggi.

Napabilib si Kuya sa pagpapaliwanag ng Slovenian Housemate dahil hindi lamang ito naglalarawan ng pagpapakatotoo ni Tina kundi pati na rin ang kanyang pagiging sensitibo sa damdamin ng mga Pilipino.

Huwag bibitiw sa mga huling araw ng Big Brother Swap sa ABS-CBN Primetime Bida!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
2007-04-27 Ibinahagi ni Tina Somelic ang kanyang nararamdaman sa pagtira sa Bahay ni Kuya: "I'm really happy to be here...everything is nice, beautiful, and positive...it would have been a big mistake if I didn't come here...I want to see them when we get out of the house...Mickey plans to go to Slovenia by summer." Si Tina ang gumanap na Reyna Elena samantalang si Mickey naman ang kanyang escort sa ginanap na Santacruzan.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results