Filipino boxers aim for a sweep in Pinoy Power 3


Filipino boxer Nonito "The Filipino Flash" Donaire will defend his World Boxing Association (WBA) superflyweight interim championship title against Puerto Rican challenger Gerson "El Nene" Guerrero.


Handa nang sumabak sa giyera sa "Araw ng mga Puso" sina Nonito "The Filipino Flash" Donaire, Bernabe Concepcion, Ciso Morales, at Gerry Peñalosa sa kanilang tapatan laban sa mga boksingero ng Puerto Rico sa Pinoy Power 3 ngayong Linggo (Feb 14), 10:30 am sa ABS-CBN.

Ipagtatanggol ni Donaire sa kanyang pangatlong Pinoy Power fight ang kanyang WBA superflyweight interim champion title laban kay Gerson "El Nene" Guerrero. Una na niyang tinalo ang mehikanong si Raul Martinez nung Abril 2009 at si Rafael Concepcion ng Panama nung Agosto.

Paghihiganti naman ang nais ni Bernabe Concepcion sa kanyang laban kay Mario Santiago. Paakyat na sana ang karera sa boksing ng alaga ni Manny Pacquiao nang ma-diskwalipika noong Agosto sa kanyang laban kay Steven Luevano. Puspusan ang pag-eensayo ngayon ni Concepcion sa Wild Card Gym kasama si Gerry Peñalosa na lalaban din sa Pinoy Power 3.

Bagama’t beterano na at dati na ring kampeon, kay Pacquiao rin kumukuha nang inspirasyon ang 37-anyos na si Peñalosa. "Hindi man tayo kasing galing ni Pacquiao, e, iniidolo pa rin natin siya," aniya sa isang panayam ni Dyan Castillejo para sa ABS-CBN.

Desidido siyang makuha ang pangatlong titulo at magagawa lang niya ito kung matatalo ang kapwa WBO bantamweight contender na si Eric Morel. Unang titulo naman ang hangad ni Ciso "Kid Terrible" Morales sa kanyang laban kay Ferdinand Montiel para sa WBO bantamweight belt.

Lalaban din sa undercard si Mark Melligen na haharap kay Raymond Gatica ng Texas.

Saksihan ang laban ng Pilipino sa Pinoy Power 3 hatid ng ABS-CBN Sports live ngayong Linggo (Feb 14), 10:30am sa ABS-CBN at delayed telecast naman sa Studio 23 ng 11:30am. Mapapanood muli ang Pinoy Power 3 sa Balls Skycable ch. 34 sa Pebrero 16, 4pm at Pebrero 18, 9pm.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN