Who will be the Big Winner of PBB Double Up?


From left: Steve "The Steel Dad of Cagayan de Oro," Johan "The Cutie Server of QC," Melai "Inday Kengkay of GenSan," Jason "Boy Astig of Mindoro," and Paul Jake "Negosyo Prince of Cebu." Who will be Pinoy Big Brother Double Up’s "Big Winner"?


Matapos ang halos labing-siyam na linggo, at mahigit na dalawampung housemates na nawala sa Bahay ni Kuya, mapapangalanan na rin ang pinakabagong Big Winner ng Pinoy Big Brother Double Up.

Sino kaya sa Big Five na sina Melisa, Jason, Johan, Paul Jake, at Tibo ang mananalo sa numero unong reality show sa bansa? Balikan natin ang karanasan ng limang housemate na pinakaminahal ng sambayanan.

Si Melisa ang tinaguriang "Ang Inday Kengkay ng Gensan" na tinatawag ding "Inday Waknat" o "Inday Pangit" sa kanyang bayan. Gayunpaman, marami rin siyang napahanga sa kanyang pagiging totoong tao at positibo kahit sa mga oras ng kahirapan. Marami rin siyang napakilig at napaibig sa love story nila ni Jason na talaga namang sinubaybayan ng taumbayan.

Si Jason naman "Ang Boy Astig ng Mindoro" na kilala sa kanilang bayan dahil sa mga reputasyon ng grupong kinapabilangan niya. Ngunit habang unti-unti siyang napapalapit kay Melisa sa PBB ay nakita rin ng mga manonood na ang tigasin ay sensitibo rin pala at isa ring mabuting kaibigan, mapagparayang housemate, at romantikong mangingibig.

Ang "Cutie Server ng QC" na si Johan naman ay mulat na sa kahirapan simula pagkabata. Pangarap ni Johan na maiahon ang kanyang pamilya sa hirap at makabili ng sariling bahay. Sa PBB house ay tinawag siyang wallflower, dahil matagal bago siya nakapagpanatagan ng loob sa mga kasamahan, pero di nagtagal ay lumabas ang tatag ng loob ng binata.

Taliwas kay Johan, lumaking mayaman si Paul Jake. Ngunit ang "Negosyo Prince ng Cebu" ay pinalaking simple at wais. Minsan pa ay nagpapanggap siyang trabahador para mas maunawaan ang kanilang negosyo at mga trabahador. Sa Bahay ni Kuya, nakilala siya bilang lider at magaling dumiskarte sa mga weekly task. Pinakita rin niya ang lakas ng fighting spirit noong hindi siya sumuko noong "Resbak Attack."

Tulad ni PJ, isa ring lider si Tibo, ang "Dad of Steel ng CDO." Sa loob ng Bahay ni Kuya, nagsilbing padre de pamilya si Tibo. Lagi niyang binibigyan ng paalala ang mga mas nakababatang housemate, at sasawayin niya kung kinakailangan. Dahil hangarin niyang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang asawa’t anak, binibigay niya ang kaniyang lahat sa bawat task gamit ang kaniyang lakas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Alamin kung kaninong pangarap ang matutupad sa "Big Date on the Big Night" ng PBB Double Up mamayang 9 pm kasama sina Toni Gonzaga, Mariel Rodriguez, at Bianca Gonzalez sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN