Six women will face tough questions in Startalk


Marian Rivera will answer questions about Dingdong Dantes during the February 20 episode of Startalk.


Matapang na sasagutin ng anim na babaeng artista sa Startalk ang mga isyung bumabalot sa kanila ngayong Sabado, Pebrero 20.

Nangunguna na si Marian Rivera na lumipad patungong Spain kasama ang kanyang sweetheart na si Dingdong Dantes. Hiningi na nga ba ni Dingdong ang kamay ng Darna ng buhay niya sa ama nito?

Susunod ay ang live interview ni Jackie Rice na pinagdidiskitahan daw ng isang star na sobrang insecure sa kanya? Masaya rin ba ang GMA Artist Center talent na si Jewel Mische dahil tanggap na daw siya nina Annabelle Rama at Eddie Gutierrez para sa anak nilang si Richard Gutierrez?

Ibabahagi naman ni Francine Prieto ang kanyang mga saloobin sa mga pinagdadaanan niyang unos, partikular ang pagkakaroon ng cancer ng kanyang ina. Katulad din niyang namimighati ay si Nina Kodaka. Hinimatay nga ba si Nina nang hindi siya mapabilang sa StarStruck Final 5 na maglalaban ngayong Linggo, February 21, sa Araneta Coliseum?

At ang huling pasabog, si Judy Ann Santos ay may mensahe para kay Sen. Jamby Madrigal ukol sa pagsisi daw nito sa pagkuha niya kay Juday bilang endorser noon eleksyon 2004.

Ito at marami pang ibang issues ang tatalakayin sa Startalk ngayong Sabado, Pebrero 20, 2:30 pm, sa GMA-7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN