Slovenians hold fundraiser for PBB housemate Bruce Quebral


Bruce Quebral ended his one-week stay inside the Slovenian Big Brother house last April 27. Bruce swapped with Slovenian housemate Tina Semolic, who stayed inside the Pinoy Big Brother house also for a week. In this photo, Bruce poses with his Slovenian housemates for a picture before leaving.


Napakaraming tagahanga ang iniwan ng Pinoy Big Brother (PBB) housemate na si Bruce Quebral sa Slovenia, kung saan siya tumira ng isang linggo, bilang ka-swap ni Tina Semolic ng Slovenia Big Brother (SBB). The day before it was announced na aalis na siya, there was an outpouring of emails and suggestions from Slovenian viewers wishing to "help" Bruce.

Masyado silang naapektuhan sa kuwento ng buhay ni Bruce, na tumatayong ama ngayon sa pamilya nito. Naikuwento kasi ni Bruce sa loob ng SBB house ang pagkamatay ng kanyang ama two years ago dahil sa cancer, kung kaya’t siya ngayon ang nagtatrabaho para sa pamilya niya. Si Bruce ang panganay sa tatlong magkakapatid.

A promising basketball player from the University of the Philippines (UP), nahinto naman agad ang kanyang sports career nang ma-injure siya. Pagmu-model ang binalingang trabaho ni Bruce at ito ang trabaho niya nang siya ay pumasok sa PBB. Kasama siya sa rumampa sa "Bench Fever" underwear and fashion last June 2006.

Dahil sa dami ng fans na nag-log-in sa www.24ur.com/bigbrother upang sabihing gusto nilang makatulong kay Bruce, gumawa ng 100 Slovenia Big Brother T-shirts na ina-auction doon. All proceeds will go directly to Bruce’s account dito sa Pilipinas.

Of the 100 T-shirts, ang 90 pieces ay pinirmahan niya habang ang 10 pieces ay may special dedication niya that reads "Be True To Yourself—BAQuebral # 7." Nilagay niya rin dito ang kanyang signature plus the name of his country, the Philippines. Ang No. 7 was his jersey number nang naglalaro pa siya for the UP Maroons sa UAAP (University Athletics Association of the Philippines).

Sa biglaang pag-alis ni Bruce sa SBB house noong April 27, nagulat ang lahat, at ikinaiyak ito ni Sonja, ang pinakamalapit na housemate sa kanya doon.

In a prior development, nang nasa SBB house pa si Bruce, ilang jokes ang ginawa ng dalawang Slovenian housemates, sina Miha at Pero, na ikinapanganib naman nila. Miha joked na huwag dapat mag-jacuzzi si Bruce dahil magiging kulay brown daw ang tubi—pertaining to Bruce’s very Pinoy color. Si Pero naman, nagbiro na kapag nilagay ni Bruce ang kanyang kamay sa gatas, magiging chocolate ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil dito, pinarusahan ni Slovenian Big Brother ang dalawa at sila ang nominated for the next eviction.

Marami ring nagalit na Slovenians sa inasal ng dalawa at napuno ang forums sa Slovenian Big Brother website condemning the two and apologizing to Bruce and to the Filipino people in general.

Ayon sa official explanation of the punishment, hindi pinarusahan ni Slovenian Big Brother sina Pero at Miha because of the racist joke, but because they broke two house rules—joking about Bruce and speaking in Slovene when he is not around.

Hindi pa man naa-announce officially ang nomination ng dalawa for eviction, nag-joke si Pero kay Sonja na saksakin ng espada si Slovenian Big Brother for him. Hindi ulit nagustuhan ni Slovenian Big Brother ang joke na ito, at dito na automatically pinatalsik si Pero from the house.

Nag-apologize agad si Pero sa press conference na ibinigay sa kanya after he left the house. Nagpapasalamat din siya kay Bruce for taking the joke lightly, unlike Big Brother daw.

Ipinalabas kanina ang pagbabalik ni Bruce sa Bahay ni Kuya. Samantala, ang pinaka-close sa kanya sa lahat ng housemates, si Wendy Valdez, ay napatawan ng automatic nomination dahil sa isang violation, ang hindi pag-on ng kanyang microphone habang kausap niya ang isa pang housemate.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN