John Lloyd Cruz nervous about hosting Miss Philippines-Earth


John Lloyd Cruz (in photo) hosted the 2007 Miss Philippines-Earth with Piolo Pascual last April 29. This is the first time for John Lloyd to host a beauty pageant.



"Magkahalong nerbiyos at excitement," ang mga salitang isinagot ni John Lloyd Cruz sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nang tanungin siya kung ano ang nararamdaman niya sa hosting job niya sa 2007 Miss Philippines-Earth. Ginanap noong April 29 sa University of the Philippines Theater ang nasabing beauty-for-a-cause pageant, na magsisilbing baptism of fire ni John Lloyd bilang pageant host.

Firts time daw itong gagawin ni John Lloyd in his entire career and he really means to give it his best shot.

"Actually, when I was told about it less than a month ago, mixed ang emotions ko. Parang gusto ko na ayaw ko. Pero nang hingan ko naman ng opinyon ang mga kaibigan ko, they gave me their go-signal approval, kaya ayun. I tried to watch last year’s pageant para lang maramdaman ko kung ano ba talaga ang nangyayari sa kontest," kuwento ni John Lloyd sa PEP.

Kinuha rin namin ang opinyon ni John Lloyd sa balitang sinulot niya diumano ang nasabing hosting job kay Sam Milby, na in all fairness ay nagmarka as an effective pageant host last year.

"Wala po akong alam sa tsismis na ‘yan. May ganyang isyu po ba?" nagtatakang sabi ng young actor.

Dagdag pa niya, "When I was offered the job, hindi ko po alam kung sinu-sino ang makakasama ko. Last two weeks ago ko nga lang nalaman na makakasama ko si Piolo [Pascual], kaya medyo naging kumportable ako dahil alam kong aalalayan niya ako."

Sa isyung "sulutan," nakunan din namin ng sagot, thru text, ang manager ni Sam na si Eric Raymundo. Ipinaalam niya sa amin na kasama nga dapat si Sam as host ng Miss Philippines Earth. "But we are in Bacolod for another commitment," sabi niya. "Mas nauna na namin itong natanguan as early as late last year pa, kaya nanghinayang din kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aware din daw ang kampo ni Sam na si John Lloyd ang naging replacement ni Sam. They are just as happy as everyone else raw dahil sigurado namang magagawa nang mahusay ni John Lloyd ang nasabing hosting job.

Itinanghal na Miss Earth 2007 noong gabing iyon si Jeanne Harn, samantalang Miss Philippines-Air (1st Runner up) si Krystle Ann Dizon, Miss Philippines-Water si Joycie Nocomura, Miss Philippines-Fire is Sarah Katrina-Minoza, at Miss Philippines Eco Tourism si Anna Katrina Bautista.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN