Piolo Pascual to promote his movie with Regine Velasquez on GMA-7?


Regine Velasquez of GMA-7 and Piolo Pascual of ABS-CBN are the lead stars of Star Cinema’s joint production with Viva Films, Paano Kita Iibigin.



Magkakaroon kaya ng exchange deal ang GMA Films at Star Cinema sa kanilang upcoming movies?

Hindi pa tapos ang principal photography ng pinakabagong pelikula ng Star Cinema, ang Paano Kita Iibigin, starring Regine Velasquez and Piolo Pascual sa direction ni Joyce Bernal, ngunit may playdate na ito: May 30.

Dahil Kapuso si Regine, maituturing na big event ito dahil, for the first time, a Kapuso star is doing a movie for the Kapamilya Network. Sabi ni Regine sa press con ng pelikula, ipu-promote niya raw ang movie sa GMA-7 kahit gawa ito ng Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN. Part din ng kontrata ni Regine for the movie ang pag-guest in several ABS-CBN shows for the movie’s promotions.

Nangako naman si Piolo na kung papayagan siya ng ABS-CBN, magpu-promote din daw siya sa GMA-7.

Isang GMA Films insider ang nakausap namin to comment on this.

Actually, willing daw sila to help the Star Cinema movie get promoted sa GMA-7 dahil isa ngang Kapuso si Regine.

Ang wish lang ng aming nakausap, sana raw when it’s time for GMA Films to promote its next movie, ang Ouija starring Judy Ann Santos and Jolina Magdangal, maging cooperative din daw ang ABS-CBN na matulungan sa promotion ang pelikula dahil, after all, isang Kapamilya naman si Juday.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN