ON THE SET: Joshua Dionisio and Barbie Forteza are school royalty in First Time


Joshua Dionisio and Barbie Forteza were crowned as King and Queen of the Night during a taping of First Time held at the Palasyo de Manila along Roxas Boulevard.


Masaya ang cast at crew ng First Time, ang teen drama show ng GMA-7, sa magandang ratings na natatanggap nila ever since nagsimula ang show last February 8.

Ang Balik-Kapuso star na si Bayani Agbayani ay natutuwa sa popularidad ng mga batang bida na sina Barbie Forteza, Joshua Dionisio at Jake Vargas.

"Malakas itong show. Magagaling yung mga bata. Alam mo noong nagt-taping kami noon sa Tagaytay, e, taga-Silang, Cavite ako. Pumunta ako sa mga tiyuhin ko. Hindi nila alam na kasama ako sa First Time. Pero yung mga batang maliliit, nanonood silang lahat. Inabutan ko kasi sila noon na nanonood. Nanonood talaga silang lahat. Tapos, tinitingnan ko lang," kuwento ni Bayani sa PEP nang bumisita ang press sa kanilang location sa Palasyo de Manila, Roxas Boulevard noong February 18.

Ang First Time director na si Direk Andoy Ranay ang nagsabi na maganda din ang nangyayari sa show. Nagpapasalamat si Direk Andoy at binigyan ng pagkakataon na masubukan ang isang fresh concept kung saan mga baguhang artista ang siyang nasa lead roles.

Malaki ang pagtitiwala ang ibinigay ng Kapuso network sa tatlong young stars na sina Barbie, Joshua at Jake. Naging mainit ang pagtanggap sa tatlo lalo pa noong magkaroon ng registration of fans last February 21 sa Barangay PiƱahan sa Quezon City.

"Para din akong isa sa mga teacher dito sa show," ani Direk Andoy.


Inilarawan ni Bayani ang mga baguhang artista na una nang napanood sa Stairway to Heaven at Dear Friend: Christmas List. "Magagalang. Magagaling. Maruning rumespeto sa mga veteran. Saka tinitingnan ko. Natural na natural silang umarte. Actually, parang hindi na sila umaarte. Bihira ako makakita ng ganoon na artista na bago sa industriya. Ang galing nila. Saka marunong maglaro sa camera. Marunong umanggulo."


GRAND FANS DAY. Naghahanda na din ang mga young stars sa darating na Linggo, March 7, para sa kanilang Grand Fans Day na gaganapin sa SM San Lazaro (4 pm). Ito ay paraan daw nila para pasalamatan ang kanilang mga masugid na manonood.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN