Joshua Davis a.k.a. The Yoyo Tricker wins in Talentadong Pinoy’s Battle of the Champions


Joshua Davis, the first Ultimate Talentado of Talentadong Pinoy, dedicated his trophy to his brother Bugoy who died of brain tumor.


Si Joshua Davis o mas kilala sa tawag na Yoyo Tricker ang tinanghal na Philippines’ First Ultimate Talentado sa Battle of the Champions. Ang grand finals ng TV5 show na Talentadong Pinoy ay ginanap noong Sabado, March 6, sa Cuneta Astrodome. Ang naturang talent search ay hosted by Ryan Agoncillo.


Sa mga naglaban-laban sa finals, si Joshua ang pinakabata. Thirteen years old lang ang bagets na taga-Quezon City. Tinalo niya sina Makata-Tawanan, the Far East Acrobatic Family, Leah Patricio, Omar the Ladder Balancer, Tribal Dancers at Wanlu the Puppeteer.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Joshua after ng competition. Tinanong siya ng PEP kung ano ang naramdaman niya nang ang pangalan niya ang tinawag ni Ryan bilang winner.

"Nagulat po ako. Tapos parang tumigil po yung mundo ko ng mga three seconds e. Tapos yun nga po, ang saya, super saya,"sabi ng Yoyo Tricker.


Inaasahan ba ni Joshua na siya malaki talaga ang laban niya? Marami kasi ang nagsasabi na malaki talaga ang laban niya. Kakaiba kasi ang mga tricks na pinapakita niya sa paglalaro ng yoyo. At talagang mahusay siya.


"Ano po, hindi po,"sagot niya. "Kasi lahat po kasi sila magagaling, e. Tapos nung nahulog po yung yoyo ko, ano medyo akala ko po tagilid na ako. Yun pala hindi. Kasi itinuloy ko pa rin po kahit na nahulog at medyo tumigil yung yoyo ko. Kahit paano, the show must go on po."


Dahil nga nalaglag ang yoyo ni Joshua, medyo pumalpak siya sa kanyang performance ay baka intrigahin siya na bakit siya pa ang nanalo. Ano ang masasabi ni Joshua tungkol dito?

"Ah ganun po? Bahala na po sila doon. Wala na po akong magagawa, e, yun ang paniniwala nila."


Sa tingin ni Joshua, sino ang pinakamahigpit na nakalaban niya?
"Si Makata po saka po si Wanlu."


Ang napanalunang P1 million cash ni Joshua at trophy ay inihahandog niya sa kanyang Kuya Bugoy na namatay sanhi ng brain tumor. Gaya niya ay mahilig din ito sa larong yoyo. Kung hindi lang ito namatay ay sumali rin sana ito sa Talentadong Pinoy.

"Idea po talaga naming magkapatid ang sumali. Partner po sana kami. Kaya lang ayun namatay na po siya kaya hindi na siya naka-join. Pero alam ko po na lagi ko siyang kasama sa mga competition ko at gina-guide niya ako.


"Sa totoo lang po, nasa wallet ko yung picture ng kuya ko. Lagi ko siyang dala-dala. Kahapon po, nung nag-rehearse po kami, hindi ko po dala yung wallet ko, medyo mali-mali po ako. Pero kanina pong umaga nung dala ko na yung wallet, okay na po."


Sa bawat competition ni Joshua ay lagi niyang kasama ang kanyang ama. Sabi tuloy ng iba ay isa itong stage father. Ano ang reaction ni Joshua na iniintriga ang kanyang ama?

"Ay hindi naman po siya ganun. Super supportive lang po talaga siya sa akin," pagtatanggol ni Joshua sa kanyang ama.


May plano rin ba siyang mag-artista?
"Kung may kukuha po. Basta po after ng school ko ako magtatrabaho."

May crush ba siya sa showbiz?
"Si Anne Curtis po ang crush ko."


Biniro ng PEP si Joshua: babahaginan ba niya si Anne nang napanalunan niyang P1 million pesos?

"Okay lang po. Tapos po yayayain ko siyang magyoyo," natatawang pagtatapos ni Joshua.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN