Paolo Contis will talk about his newborn daughter on Startalk


Paolo Contis will share details about the birth of his newborn daughter, Xonia Aitana, on the March 13 episode of Startalk.


Kwento ng proud daddy, nagseselosang mag-nobya at nagkagalit na magkaibigan ang ilalahad ng Startalk ngayong Sabado, March 13.

Ang Wipeout star na si Paolo Contis ay nag-uumapaw sa ligaya dahil isinilang na sa wakas si Xonia Aitana, ang first baby niya sa nobyang si Lian Paz. Tunghayan ang nakakakilabot at nakakalambot na kwento mula kay proud daddy Paolo.

Samantala, ang mag-sweetheart na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes, nagkakalabuan na daw dahil sa selos? Abangan ang pagharap nila sa isyu ngayong Sabado.

At ang pinag-uusapang away ng bayan, Ruffa Guttierrez at Kris Aquino, nagka-ayos na nga ba talaga?

Ito at iba pang mga intriga ay isisiwalat ng GMA-7 showbiz-oriented talk show, Startalk, ngayong Sabado, March 13, pagkatapos ng Eat Bulaga.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN