Maricris pinatawan ng forced eviction sa PBB

by Jocelyn Dimaculangan
Apr 30, 2007
Bago pa man i-announce ni Kuya kung sino ang mae-evict sa kanyang bahay, sinabi ni Maricris: "Bakit di pa ako palabasin ngayon? Bakit pinapahintay pa, eh ready na ako."

Hinatulan ni Big Brother ng forced eviction ang housemate na si Maricris dahil sa paglabag nito sa violation rule ni Kuya kung saan ipinagbabawal ang pananakit sa sarili, sa kapwa housemate, o maging ang pagbigkas ng intensiyong manakit.

Ang mabigat na desisyong binitawan ni Kuya ay batay sa naganap na pag-aaway sa pagitan nila Beatriz at Maricris na nagsimula nang paratangan ni Maricris si Bea na may gusto umano kay Nel.

Ang simpleng asaran ay nauwi sa isang mahaba at mainit na banggaan sa pagitan ng dalawang babaeng housemate hanggang sa lumabas si Maricris sa garden ng Bahay ni Kuya at sinabing, "dito muna ako baka masaksak ko si Bea."

Unang ipinaalam ni Kuya ang balita ng forced eviction kina Nel, Mickey, at Bodie at pagkatapos ay ipinatawag si Maricris sa confession room at ipinaliwanag sa kanya ang nagawang paglabag sa house rules na nagtulak kay Big Brother para magpataw ng forced eviction.

Continue reading below ↓

Ipinatawag din ni Kuya ang iba pang mga housemates sa confession room para sabihin ang kanyang naging desisyon at dito'y nakita ni Big Brother ang pagiging guilty ni Bea sa nangyari.

Dahil dito, pinaiwan ni Big Brother si Bea sa confessiom room at sinabi sa dalaga na ang kanyang desisyon ay batay sa nakasaad sa rulebook at ipinatutupad lamang ni Kuya ang nasabing batas sa loob ng kanyang bahay.

Mabigat man ang naging desisyon ni Kuya, pinasalamatan pa rin niya si Maricris sa lahat ng naibahagi nito sa loob ng kanyang tahanan, "nagpapasalamat ako sa lahat ng naidulot mo sa aking bahay...sa lahat ng participation mo, lahat ng tulong mo, lahat ng naipamahagi mo...sana lahat ng karanasan mo dito ay baunin mo...sana ay may natutunan ka."

Ito ang kauna-unahang forced eviction na nangyari sa Pinoy Big Brother Season 2.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bago pa man i-announce ni Kuya kung sino ang mae-evict sa kanyang bahay, sinabi ni Maricris: "Bakit di pa ako palabasin ngayon? Bakit pinapahintay pa, eh ready na ako."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results