Anthony Taberna will grill VP candidates in Umagang Kay Ganda


Anthony Taberna brings out the lighter side of vice-presidential candidates as he interviews each of them in Umagang Kay Ganda beginning this Monday, March 22, on ABS-CBN.


Simula ngayon Lunes, March 22, kikilalanin ni Anthony Taberna ang totoong pagkatao ng mga vice-presidential candidates ng bansa at palalabasin ang kanilang tunay na kulay sa kanyang "Punto por Punto" segment sa Umagang Kay Ganda ng ABS-CBN.

Gaya ng ginawa sa mga presidentiables, isa-isang iinterbyuhin ni Anthony ang mga VP candidates. Ihahain ni Anthony sa mga vice- presidential candidates ang simple ngunit personal na mga tanong upang maipakita ang kanilang katauhan sa naiibang paraan, malayo sa personalidad na kilala ng lahat.

Enero pa lang, inisa-isa na ni Anthony ang mga presidential candidates.

Isa sa hindi malilimutang tanong ni Anthony kay Sen. Noynoy Aquino ay kung nakaligo na siya sa dagat ng basura. Agarang sumagot ng Senador, "Hindi pa ho yata."

Hindi rin nakatakas si Sec. Gilbert Teodoro na matapos sabihing size 12 ang kanyang paa,tinanong agad ni Anthony kung naniniwala siya na kapag mahaba ang size ng paa ng tao ay mahaba rin ang pasensya nito. Nakangiting sagot ni Gibo: "Mahaba ho talaga ang pasensya natin. Pasensyoso po."

Halos hindi naman magkamayaw sa gulat ang audience nang biglaang tanungin ni Anthony si Sen. Richard Gordon kung nagpa-botox na ito. "Never pa akong nagpa-botox," ani Gordon. "I am what I am. What you see is what you get."

Buhok naman ang pinuntirya ni Anthony kay Sen. Manny Villar. Binusisi kung bakit tila hindi ito nagugusot o gumagalaw. "May suklay ako lagi sa likod at, siyempre, may kasama ako na tumitingin kung maayos pa ito. Nakakahiya kasi sa tao kapag magulo ang buhok mo," sagot naman ni Villar.

Sa naturang segment na "Punto Por Punto," nabunyag sa manonood na si Noynoy ay natutulog nang naka-shorts, si Villar ng naka-pajama, at ang dating pangulong Joseph Estrada ay natutulog na tanging brief lamang ang suot.

Ang one-on-one interviews na ito ay bahagi ng kampanya ng ABS-CBN News and Current Affairs na "Boto Mo, iPatrol Mo: Ako ang Simula" na naglalayong humimok ng mga Pilipino na maging aktibo at bumoto nang tama sa darating na halalan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Simula nang ilunsad ito ay nakagawa na ang ABS-CBN ng samu’t saring debate at forum kaugnay ng halalan; music video, taglay ang theme song na may mensahe ng pagbabago, at kamakailan isang sold-out concert sa UST na dinaluhan ng mga boto patrollers. (CLICK HERE to read more about this event)


Sa kasalukuyan, mahigit 60,000 na ang nakilahok at nakiisa sa naturang kampanya.

Sa linggong ito, dapat abangan ng mga manonood ang mga katanungang ipupukol ni Anthony sa mga vice-presidential candidates. Tanungin niya kaya si Sen. Mar Roxas sa naging honeymoon nila ni Korina Sanchez. Ano nga ba ang mas gustong kulay ni Bayani Fernando: blue or pink? At paano kaya manligaw si Edu Manzano?

Alamin ang kasagutan sa "Punto Por Punto" segment ni Anthony Taberna sa Umagang Kay Ganda ng ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN