Kristine Hermosa gets more revealing in Lumang Piso Para Sa Puso


Kristine Hermosa shows her sexiness in this week’s episode of Precious Hearts Romance presents Quikilig: Lumang Piso Para Sa Puso. Real-life boyfriend Oyo Sotto’s (facing Kristine) character Dave gets mesmerized by Sandra’s (Kristine) sexiness in the pool scene of this week’s episode.


Ngayong linggo, mas mae-excite ang mga fans ni Kristine Hermosa at mga manonood ng Precious Hearts Romance presents Quikilig: Lumang Piso Para Sa Puso, dahil makikita na ang aktres in her sexy swimsuit!

At kasabay nito ay ang mga maiinit pang tagpo sa pagitan nina Sandra (Kristine) at Dave (Oyo Sotto) sa romantic-comedy mini-series.

Kapalit ng lumang piso ng kanyang lola, pumayag manilbihan si Sandra bilang personal maid ni Dave. Bukod sa pagiging katulong ni Sandra, abangan din ang nakakikilig na pagtatagpo nila ni Dave sa company outing ng munisipyo kung saan malalantad ang kaseksihan ng dalaga.

Sa araw-araw na away-bati na pagsasama, lalo pa kayang lumala ang giyera sa pagitan ng dalawa, o may chance kaya silang ma-in love sa isa’t isa lalo na ngayong magkakaroon sila ng pagkakataong mas magkalapit?


Kasama nina Kristine at Oyo sina Niña Jose, DJ Durano, Angel Jacob, Mariel Sorino ng Pinoy Big Brother Double Up at sa ilalim ng direksyon ni Rechie del Carmen. Mapapanood ang huling dalawang linggo ng Precious Hearts Romances presents Quikilig: Lumang Piso para sa Puso, 5:15 pm, pagkatapos ng Pilipinas Got More Talent sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN