Liezl Martinez will talk about her health condition on Startalk


In the March 27 episode of Startalk, Liezl Martinez (right) will talk about her health condition; Alyssa Alano (left) will share details about her reunion with her siblings in Australia.


Ngayong Sabado, March 27, isisiwalat ng Startalk ang matitinding pinagdadaanan ng maiinit na stars ng GMA-7.

Nalulugmok na nga ba sa kahirapan si Katrina Halili kaya’t napilitan itong ibenta ang kanyang bahay?

Ang Kapuso actress at isa sa mga hosts ng Party Pilipinas na si Sunshine Dizon, nagpakasal na nga ba sa pilotong si Timothy Tan?

Manny Pacquiao, handa na raw tuparin ang kahilingan ni Mommy Dionisia na magretiro na sa boxing?

At para sa dalawang exclusive stories, abangan ang makadamdaming pahayag ni Liezl Martinez tungkol sa kanyang malubhang karamdaman at ang kuwento ng unang pagtatagpo ni Startalk host Alyssa Alano at ng kanyang mga kapatid sa Australia.

Ito at marami pang iba sa Startalk ngayong Sabado, March 27, pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA-7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN