Habang May Buhay main stars get shower of blessings


(From top left, clockwise) Judy Ann Santos, Derek Ramsay, Joem Bascon and Gladys Reyes receive plenty of blessings ever since they starred in ABS-CBN’s primetime show Habang May Buhay.


Nagkataon nga lang ba o sadyang malaking swerte ang hatid ng teleseryeng Habang May Buhay para kina Joem Bascon, Derek Ramsay, Gladys Reyes at Judy Ann Santos?

Mula kasi nang umere ang nasabing primetime soap, nagkasunud-sunod na ang magagandang pangyayari sa buhay ng mga pangunahing karakter ng programa.

Si Joem, nakatakdang maging bahagi ng isang bagong indie movie. Si Derek ay tinaguriang "Universal Leading Man" ng local showbiz dahil sa dami ng kanyang movie at TV projects bukod pa sa dumaraming product endorsements. Si Gladys naman, mula nang muling lumabas bilang kontrabida, ay sunud-sunod na ang TV guestings at isa na rito ang pagiging isa sa mga well-loved judges ng Showtime. At siyempre, sino pa ba ang hindi nakakaalam ng masayang pagbubuntis ngayon ni Juday matapos ang pagpapakasal niya kay Ryan Agoncillo noong nakaraang taon?

Nagkataon man o hindi, patuloy namang nakatutok ang mga manonood sa top-rating show ng Queen of Pinoy Soap Opera na si Judy Ann Santos. Ngayong linggo sa Habang May Buhay, tiyak na ikagugulat ng mga manonood ang mga susunod na pangyayari sa buhay nina Nurse Jane (Judy Ann Santos), David (Derek Ramsay), Raon (Joem Bascon) at Clarissa (Gladys Reyes).

Matapos ang mga maiiinit na kumprontasyon sa pagitan nina Jane, David at Clarissa kaugnay ng pagbubuntis ng doktora, isang hindi inaasahang tagpo sa ospital ang maglalantad sa itinatagong sikreto ni Clarissa. Malalaman ni Jane na hindi si David, kundi ang kasintahan ng doktora na si Rod, ang tunay na ama ng pinagbubuntis nito.

Sa pagpapatuloy ng kwento, tuluyan na kayang sumuko si Clarissa sa pag-ibig niya kay David, o isang malupit na paghihiganti ang ihahanda niya para matuloy ang mga plano niya?

Ano ang magiging reaksyon ni Ellen Corpuz (Tetchie Agbayani) sa ginawang pagsisinungaling ni Clarissa—kakalabanin ba niya ito o makikipagsabwatan upang patuloy pa ring paghiwalayin sina Jane at David?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At sa paglabas ng katotohanan, mahanap kayang muli ni Jane sa puso niya ang pagpapatawad sa lalaking kanyang minamahal?

Mapapanood ang Habang May Buhay sa Primetime Bida ng ABS-CBN pagkatapos ng Kung Tayo’y Magkakalayo mula Lunes hanggang Biyernes.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN