The Correspondents investigates effects of climate change on Cordillera mummies


Join Abner Mercado as he explores the Timbac Caves and the Banaue Rice Terraces for the March 30 episode of The Correspondents.


Kilala ang Cordillera region sa hilagang Luzon bilang isang kandungan ng yaman ng kulturang Pilipino. Sa Timbac Caves, Kabayan, Benguet nakahimlay ang daan-daan taong mga mummy na kinikilalang ninuno ng mga katutubong Igorot. Sa Ifugao naman matatagpuan ang ipinagmamalaking Banaue Rice Terraces.

Ngayong Martes (March 30), samahan si Abner Mercado sa kanyang pagbisita sa Timbac Caves upang patotohanan ang balitang nasisira na ang mga mummy dahil sa matinding init ng araw. Maging ang ipinagmamalaking Banaue Rice Terraces na gawa ng mga ninunong Igorot ay sinasabing natutuyot na rin.

Ito’y nagpapatotoo lamang na walang kawala sa nagbabagong klima ng mundo ang pinakaiingatan nating kultura at yaman.

Abangan ang dokumentaryong ito ni Abner Mercado sa Martes (March 30), pagkatapos ng Bandila sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN