Reruns of GMA-7 shows will air this Holy Thursday, April 1


Viewers who missed episodes of First Time, starring (from left) Joshua Dionisio, Barbie Forteza and Jake Vargas, will be able to watch them again this Holy Thursday, April 1.


Ihahatid ng GMA-7 ang rewind ng mga top-rating shows na First Time, American Idol Season 9, Wish Ko Lang at iba pa ngayong Huwebes Santo, April 1.

Muling matutunghayan si Bossing Vic Sotto sa pelikulang Enteng Kabisote ng 12 nn. Susunod si Da King Fernando Poe, Jr. ng 1:30 na magpapabilib naman sa 1987 blockbuster hit na Batas sa Aking Kamay.

Papasok ang Wish Ko Lang ng 3 pm, tampok ang piling episodes na umantig at tumatak sa mga puso ng Pilipino.

Susunod ang pinakabagong tinitilian ng bayan, ang First Time ng 4 pm. Kiligin habang binabalikan ang mga makulay na eksena ng magkakaibigang sina Barbie Forteza bilang Cyndi, Joshua Dionisio bilang Lukas at Jake Vargas bilang Baste.

Pag patak ng 5 pm ay maghanda namang mangilabot sa Tanikala 2. Ito ang suspense-thriller na sumubok sa husay sa pag-arte ng StarStruck Season 2 Male Survivor na si Mike Tan at ng StarStruck 1 Avenger na si Sheena Halili. Abangan kung maka-survive sila sa mga "di-mawaring" espiritu ng storya.

Kakaibang talento naman ang matutunghayan sa pinakamalaking music search sa mundo, ang rewind ng American Idol Season 9 na magsisimula ng 6 pm.

Mapuputol ang kantahan pansamantala para magbigay-daan sa Obra kung saan mapapaluha sa galing ng aktres na si Sunshine Dizon sa kanyang pagganap bilang isang tomboy na ina.

Pagkatapos ay babalik ang American Idol Season 9 ng 8 pm.

Samahan si Richard Gutierrez na libutin at pag-aralan ang mga natatagong bahagi ng ating perlas ng Silangan sa pinakamalaking dokyumentaryang pangkalikasan ng 2009, ang Planet Philippines, na magsisimula ng 9 pm.

Huwag palampasin ang rewind ng mga storyang kinagiliwan ng mga manonood ngayong Huwebes Santo, April 1, sa GMA-7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN