Filipino movies will be aired on GMA-7 this Good Friday

Apr 1, 2010
I.T.A.L.Y. (I Trust and Love You), Let the Love Begin and Till I Met You will be aired on GMA-7 this Good Friday, April 2.

Mga istorya ng pagsasakripisyo at pag-ibig ang kukurot sa puso ng mga Pilipino ngayong Biyernes Santo, April 2, sa GMA-7.

Pakinggan ang huling pitong salitang winika ng Panginoong Diyos sa krus, ang Siyete Palabras ng Order of the Preachers na mapapanood nang live sa Sto. Domingo Church ng 12 nn.

Susundan ito ng mga madamdaming tagpo sa Wish Ko Lang ng 3 pm at ang kuwento ng tamis at pait ng unang pag-ibig sa First Time, 4 pm.

Pagkatapos ay tignan sa mga mata ng OFWs ang kahulugan ng pagsasakripisyo, tadhana, at pag-ibig sa romantic comedy na I.T.A.L.Y. Dito ay makakasama ang mga Kapuso stars na sina Jolina Magdangal, Dennis Trillo, Rufa Mae Quinto, Eugene Domingo, Mark Herras, Rhian Ramos, Edgar Allan Guzman at Aljur Abrenica sa kanilang paglilibot sa iba't ibang tanawin sa Asya, Europe at Africa bilang mga OFWs.

Samantala, tunghayan sina Richard Gutierrez bilang isang masipag at mabait na janitor at Angel Locsin bilang mayamang crush ng bayan sa Let the Love Begin ng 6:45 pm.

Continue reading below ↓

Panghuli ay matatagpuan ni Asia's Songbird Regine Velasquez at Action Icon Robin Padilla ang pag-ibig sa gitna ng kasinungalingan sa Till I Met You ng 8:45 pm.

Read Next
Read More Stories About
GMA-7, TV, television
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
I.T.A.L.Y. (I Trust and Love You), Let the Love Begin and Till I Met You will be aired on GMA-7 this Good Friday, April 2.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results