Talentadong Pinoy (Celebrity Talentado) will air on April 11


The April 11 episode of Talentadong Pinoy (Celebrity Talentado), hosted by Ryan Agoncillo (in photo above) will pit showbiz personalities against each other. The contestants are Paolo Bediones, Edgar Allan Guzman, Valeen Montenegro, Kim Idol, Jan Nieto, Rosanna Roces and couple Gladys Reyes and Christopher Roxas.


Nagkaroon ng espesyal na edisyon ang Talentadong Pinoy na ang taping ay idinaos last March 30 sa Skydome ng SM North.


Dahil kaarawan ni Ryan Agoncillo sa April 10, isang celebrity edition ang naganap na kung saan sa halip na mga regular contestants ay mga celebrities ang naglaban-laban upang tanghaling Talentadong Pinoy sa gabing iyon na mag-uuwi ng P50,000.


Ang pitong kalahok ay sina Paolo Bediones (Maestro Paolo) na tumugtog ng piano habang isinalaysay sa pamamagitan ng musika at mga larawan ang buhay at pag-ibig ni Ryan.


Sumunod namang nag-perform si Edgar Allan Guzman (Edgar Gaga) na nagbihis-babae ala-Lady Gaga na nag-lipsynch ng kantang Paparazzi ng sikat na international female artist.


After nito ay sumayaw naman ng isang Hawaiian dance number si Valeen Montenegro (Pinacolada) sinundan ng judo exhibition ni Jan Nieto as Judo Jan. Nagsayaw naman ng ang mag-asawang Gladys Reyes at Christopher Roxas (Swing Galing).


Sinundan ito ng operatic number ni Kim Idol (Lady Pavarotti) at ang pampitong kalahok ay si Rosanna Roces (Rosanna Tambolera) na nag-drums.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Ang mga tumayong talent scouts ay sina Ruffa Gutierrez, direk Joey Reyes, Tuesday Vargas at special talent scout that night si Mr. Ryan Cayabyab na nakasama noon ni Ryan Agoncillo sa Philippine Idol ng TV5.


Ang jury naman ay pinamunuan ni tito Alfie Lorenzo at binubuo ng mga movie reporters na malapit kay Ryan, kabilang na ang inyong lingkod at sina Allan Diones (Abante Tonite); Anna Pingol (YES! Magazine); Reggee Bonoan (Balita) at Bayani San Diego (Philippine Daily Inquirer).


Lahat ng celebrity contestants ay may konek kay Ryan tulad ni Paolo na matagal ng kaibigan ni Ryan at nakakasama pa sa mga go-sees sa mga commercials noong pareho pa silang hindi sikat.


Si Edgar Allan naman ay kapatid ni Ryan sa manager nilang si Noel Ferrer.


Si Jan ay contestant sa Philippine Idol, ang reality singing competition na si Ryan rin ang nag-host.


Sina Gladys at Christopher naman ay matalik na kaibigan ng mag-asawang Ryan at Judy Ann Santos. Sinagip pa nga ng mag-asawa sina Gladys during the Ondoy typhoon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Si Kim ay co-host ni Ryan sa Eat Bulaga samantalang si Rosanna at Valeen naman ay nakasama ni Ryan at Judai sa soap opera na Ysabella.


May special audio-visual presentation naman tungkol sa buhay at pag-ibig ni Ryan na kung saan ang gumanap na Ryan ay si Onyok Velasco at ang Judai ay si Kakai Bautista.


Ang special edition na ito ng Talentadong Pinoy (Celebrity Talentado) ay concept ng manager ni Ryan na si Noel Ferrer.


Kapag nag-click ay malamang na gawin na rin itong regular show ng TV5.


Incidentally, habang ongoing ang taping ay nagsu-shooting naman sa ibaba ng SM North ang misis ni Ryan na si Judy Ann Santos para sa pelikulang Hating Magkapatid nila ni Sarah Geronimo.


Hindi lumabas sa camera or nag-guest si Juday sa Talentadong Pinoy dahil nga may shooting ito.


Ipapalabas ang Talentadong Pinoy (Celebrity Talentado) ngayong Linggo, April 11, sa TV5.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN