"Abt Ur Luv" will not be axed


Shaina Magdayao and Rayver Cruz lead the cast of the ABS-CBN youth-oriented drama show Star Magic Presents: Abt Ur Luv, which has had a two-season run.



Definitely, may third season ang Saturday teen show ng ABS-CBN na Star Magic Presents: Abt Ur Luv.

Sa mismong thread ng ABS-CBN online, ibinabalita na isa sa mga magsasarang shows ng Kapamilya Network nitong Mayo ay ang Star Magic Presents: Abt Ur Luv, alongside Maria Flordeluna, Maging Sino Ka Man, and Little Big Superstar.

Ngunit ayon sa isang ABS-CBN insider, wala raw itong katotohanan. In fact, inaayos na nga raw ang third season ng Abt Ur Luv, na may ilang pagbabago lamang upang mapanatiling nanonood ang audience.

For sure na ngang ipapasok dito ang ilan sa Batch 15 ng Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN headed by Johnny Manahan, a.k.a. Mr. M. Batch 15 will be introduced around July.

Ang hindi nasagot ay ang tanong namin kung totoong sa pagpasok ng mga bagong mukha sa show, ang ilan sa original characters ay tatanggalin. Ngunit malinaw ang sagot na magpapatuloy ang serye.

Star Magic Presents: Abt Ur Luv is now on its second season. A continuing series, it replaced the weekly anthology entitled Star Magic Presents.

Abt Ur Luv stars Aaron Agassi, Aldred Gatchalian, AJ Perez, Angelo Patrimonio, Carla Humphries, Cris Gutierrez, Denise Laurel, Dino Imperial, Empress Schuck, Enchong Dee, Lauren Young, Mikee Lee, Rayver Cruz, Shaina Magdayao, Valeen Montenegro, Victor Basa, and Zia Marquez. Recently, naipasok na sa regular cast si Isabel Blaesi.

Magtatapos ang second season ng Star Magic Presents: Abt Ur Luv end of June.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN