Melai Cantiveros and Jason Francisco will guest on Sharon Cuneta’s show


Watch (from left) Jason Francisco, Melai Cantiveros and Sharon Cuneta perform together in the April 11 episode of Sharon.


Mula nang lumabas sina Melai Cantiveros at Jason Francisco sa Pinoy Big Brother house, hindi lang TV projects at guestings ang bumuhos sa mag-"sweetipie." Sunud-sunod na rin ang big stars na nakakasama nila.

Nitong linggo lamang, ipinalabas sa The Buzz ang pagbisita ng Melason sa bahay at mini-museum ni Robin Padilla. Ngayong darating na linggo naman, makaka-bonding nila ang nag-iisang "Ma’am" sa buhay ni Robin—si Megastar Sharon Cuneta.

"Sobrang excited na po akong maka-bonding si Ms. Sharon. Nakita ko na po siya sa PBB pero hindi po kami masyadong nagkasama. Nanonood po ako ng Sharon noon pa. Gusto ko talaga si Ms. Sharon kasi grabe talaga siya makatawa. Natatawa din ako," sabi ni Melai.

Aminado naman si Jason na star-struck siya nang unang makita sa personal si Megastar. "Nung pagpasok niya sa Big Brother house, hindi ko siya masyadong nakausap. Parang na-star-struck ako. Nahiya ako sa kanya. Talagang paborito ko kasi si Ma’am Sharon mula nung dalaga pa siya hanggang ngayon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa ABS-CBN, isa ang tambalang Melason sa "most-requested" guests sa Sharon. Marami sa mga viewers ng programa ang nagte-text at sumusulat, mai-guest ang dalawa. At nang malaman ito ni Melai, ito ang nakatutuwang sagot niya, "Ang masasabi ko lang po sa mga naghihintay po, maghintay lang po kayo! Dahil ito na po kami! Sobrang happy po namin talaga dahil nag-request pala kayo."

"Graduation Na!" ang tema ng episode ng Sharon ngayong Linggo, April 11. Bukod sa Melason, kabilang din sa mga special guests ang Bulilit graduates na sina Miles Ocampo, Mikylla Ramirez, Jane Oineza, John Manalo, CJ Navatos at Yong-An Chu; "C4 Boys" ng PBB Double Up na sina Johan, Paul Jake, Jason at Tibo; Erik Santos; at ang sikat na komedyante at Showtime hurado na si Vice Ganda.

Huwag palampasin ang nakakikilig na "Maging Sino Ka Man" song number nina Melai at Jason sa Sharon, 9:30 pm, pagkatapos ng Pilipinas Got Talent sa ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN