Maichel Fideles is the last housemate to join Pinoy Big Brother Teen Clash of 2010


The "Courageous Lakan of Samar" joins the 15 housemates who entered ABS-CBN’s Pinoy Big Brother Teen Clash of 2010.


Noong Sabado, ika-10 ng Abril 10, pinakilala ang mga housemates na magiging parte ng Pinoy Big Brother Teen Clash of 2010. Ito ang third edition ng naturang reality show.


Dalawang buwan matapos i-ere ang Pinoy Big Brother Double Up, nagbabalik sina Bianca Gonzales, Mariel Rodriguez at Toni Gonzaga upang ipakilala ang mga bagong tenants ni Kuya. Tulad ng PBB Double Up, dalawa pa din ang bahay ni Kuya, at tinawag nila itong Villa at Apartment. Ang Villa ay para sa walong teen housemates na hindi sanay sa marangyang buhay samantalang ang Apartment ay may simpleng disenyo.


Ang mga nakatira sa Villa ay ang sumusunod:


Joe Vargas (Swabeng Gimikero ng Quezon City)

Si Joe ay ipinakilala bilang isang "Swabeng Komikero" na galing sa Quezon City. Maagang naghiwalay ang mga magulang ni Joe; ang ama nyang dating religious missionary ay sinasaktan ang kanyang ina. Kalauna’y tumira silang magkapatid sa kanyang mga magulang. Greatest fear ng pamilya ni Joe ang posibilidad na bumalik ang kanyang ama sa kanilang mga buhay.


Devon Seron (Bubbly Promdi ng Cebu)

Si Devon ay isang Cebuana na nagkaroon ng scoliosis dahil umaakyat siya sa mataas na palapag ng isang pampublikong paaralan. Dahil sa karamaman, nilipat siya ng mga magulang niya sa pribadong high school ngunit kinapos sila ng pambayad para dito. Tinulungan siya ni Big Brother upang makapagtapos ng High School at nakatanggap pa siya ng medalya noong graduation day niya.


Remcon Christlove "Eslove" Briones (Sigang Istokwa ng Tawi-Tawi)

Si "Eslove" ay ipinakilala sa mga manonood bilang "Sigang Istokwa" ng Tawi-Tawi. Ang ama niya ay na nalulong sa droga na nagdulot sa pagiging pasaway ng binata. Dahil dito ay napunta siya sa iba’t ibang lugar at naranasan din ang iba’t ibang hindi magagandang bagay. Ngunit kabaligtaran ng pagiging matigas niya ang pagiging malambot at maalalahanin sa kanyang ina. Ang istokwang ito ay naranasan maging taga-buhat sa pier at canteen helper at natawag ding "Yema boy" dahil nagbenta siya ng yema at mani para makatulong sa kanilang pangangailangan.


Shey Bustamante (Bombshell ng Mindoro)

Si Shey ay sanay sa entablado at mahilig sumali sa iba’t ibang patimpalak sa kagandahan simula ng bata pa siya. Hindi pa niya nakikilala ang kanyang ama na Australian at ang ina naman niya ay nagkaroon ng panibagong asawa. Dahil sa hindi pagkagusto dalaga sa desisyon ng kanyang ina, nagpakalayo layo nga ang dalaga at pinag patuloy ang pagiging madiskarte niya sa buhay dito sa Maynila. Bago siya pumasok ng bahay, pangako ni Shey na hahanapin niya ang kanyang ama upang makilala ito.


Angelo Pasco (Struggling Scholar ng Antique)

Isang scholar naman ang napili ni Kuya na papasukin sa kanyang bagong bahay. Si Angelo ay isang Midwifery student at inamin niyang naranasan na niyang maglakad ng 7 kilometro para lang makapasok sa paaralan. Nasubukan na rin niya mag-kahoy, mag-uling, mangisda at maging houseboy upang masuportahan ang kanyang pag-aaral at matulungan ang ina niya na nagtatrabaho bilang kasambahay.


Kyra Custodio (Giling Girl ng Batangas)

Talentadong dancer na may mala Cinderellang buhay ang "Giling Girl ng Batangas" na si Kyra. Bilang miyembro ng dance troupe, natuto siyang rumaket ng maaga upang makatulong sa pangangailangan ng kanyang pamilya at para makapag-aral.


Yong Gopez (Boy Breadwinner ng Pampanga)

Pinaglihi daw sa Sto. Nino ang susunod na housemate na tinaguriang "Boy Bread Winner ng Pampanga." Ang kanyang ama ay natanggal ng maaga sa trabaho at nalulong sa pag-inom ng alak kaya naman sa murang edad ay nagtrabaho na siya. Naging quarry worker ang 17-year-old na si Yong



Ang mga titira naman sa Apartment ay ang mga sumusunod:



Romeo "Potz" Jalosjos III (Political Son ng Dipolog)

Mula sa isang angkang politikal si Potz. Dati siyang nakatira sa Manila pero lumipat siya sa Dipolog upang maging malapit sa kanyang ama. Lumaki siya na laging may bodyguard na kasama.



Rebecca Chiongbian (Heiress Wonder ng Cebu)

Nakiramay si Kuya sa kanyang bagong housemate na si Rebecca dahil namatay ang kanyang ama habang ginanap ang final screening para sa PBB Teen Clash of 2010. Ang ama niya ay may-ari ng isang malaking shipping company samantalang ang nanay naman niya ay may-ari din ng ibang negosyo. Ngunit sa kabila nito ay lumaking simple at tahimik ang "Heiress Wonder ng Cebu" na si Rebecca. Nang tanungin kung paano siya nag-cope sa sitwasyon na ito, ani Rebecca, "I’ll just try to be happy. I’ll pray for my dad inside and be strong."


Yen Santos (Little Miss Sunshine ng Nueva Ecija)

Nangangarap na maging artista si Yen na tubong Nueva Ecija. Maraming nanliligaw sa HRM student na ito pero may ibang tao naman na naiinis at nagagalit sa kanya.


Patrick Louie Sugui (Boy Next Door ng Mandaluyong)

Si Patrick ay isang La Salle student na hinirang bilang Most Valuable Player sa larong soccer. Step-dad niya ang ’80s rock icon na naging singer-jingle composer na si Juan Miguel Salvador. Bago pumasok ng Bahay ni Kuya, naikuwento ni Partick ang tungkol sa kanyang ex-girlfriend na niligawan niya ng 10 months pero nagtagal lang ang kanilang relasyon ng 20 days.


Tricia Santos (Athletic Muse ng Davao)

Isang True-blue Atenista at mahilig maglaro ng volleyball si Tricia. Siya ay nangangarap na maging doctor ng mga bata. Hinirang siya bilang Bb. Palarong pambansa at ngayon makikilala bilang "Athletic Beauty" sa PBB Teen Clash of 2010.


Kazel Kinouchi (Shopaholic Chick ng Parañaque)

Half-Japanese, half-Pinay si Kazel, isang dalaga na hindi pa nakikilala ang kanyang Japanese father. Mahilig siya sa branded clothes at nais niya na maging businesswoman sa hinaharap.


Ivan Dorschner (Striking Stud ng Rizal)

Hindi naman magmaliw sa pagtili ang mga manonood sa harap ng Bahay ni Kuya nang pinakilala si Ivan. Half-Irish, half-Pinoy ang binata na lumaki sa Los Angeles ngunit ngayon ay naninirahan na sa Rizal. Binanggit ng mga PBB hosts na hindi pa siya nagkakaroon ng girlfriend. Hindi pa rin daw siya nagsasabi ng "I love you" sa isang babae dahil aniya, "She really needs to mean a lot to me."


Fretzie Bercede (Charming Angel ng Cebu)

Anak ng dentistang ama at housewife si Fretzie, na mahilig mag cheer dance, volleyball at gymnastics.


Kagabi, April 11, pinakilala naman ang ika-16th housemate na titira sa Villa ngayon summer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Maichel Fideles
(Courageous Lakan ng Samar)


Kamakailan ay namatay ang kanyang ina dahil sa malubhang sakit na naging dahilan ng pagtigil niya sa pag aaral. Nagpunta naman ang ama niya sa Maynila upang magtrabaho bilang karpintero. Upang makatulong sa mga gastos, naging freelance model si Maichael at sumali sa mga male pageants kunsaan madaming beses na din siyang nanalo.


Mapapanood ang Pinoy Big Brother Teen Clash of 2010 weeknights pagkatapos ng Habang May Buhay sa ABS-CBN. Tuwing Sabado, mapapanood ito pagkatapos ng Maalaala Mo Kaya at tuwing Linggo, ipapalabas ito pagkatapos ng Sharon.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN