Eight Pilipinas Got Talent contestants off to the next round


(From upper left, clockwise) Carl Malone Montecido, Joachin Diaz, Manolito Salvidar and Shazad Ahmed Khan. They are four of the eight Pilipinas Got Talent contestants who will go to the next round of ABS-CBN’s talent show.


Mula pagkanta, pagsayaw, at hanggang sa pagma-magic, muli na namang pinatunayan ng mga Pinoy na world class ang ating talento sa nakaraang episode ng nationwide talent-reality show ng ABS-CBN na Pilipinas Got Talent.

Pasok sa panlasa ng mga hurado ang rappers na sina Crimson Uiayon, 20, mula Davao City, at grupong Baguio’s Pride mula Baguio City.

Hindi naman nagpahuli ang mga Batangueño nang umariba ang kanilang mga pambato pagdating sa dance floor. Napabilib ng 17-taong gulang na si Shazad Ahmed Khan ang mga manonood sa kanyang contemporary dance routine habang humataw naman ang grupong Crew Mechanix sa kanilang suwabeng hip-hop moves at mapangahas na breakdancing stunts.

Kung pagma-magic naman ang usapan, namayagpag sa mga hurado ang tubong-Malabon na si Joseph Sempao, 43, nang ipamalas niya ang kanyang husay sa mahika gamit ang pingpong ball at dyaryo.

Muli’y pinatunayan din ng Pilipinas Got Talent na wala itong pinipiling edad o kundisyon ng tao basta mayroon itong hindi matatawarang talento.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakakuha ng tatlong yes ang walong-taong-gulang na Bicolanong si Joachin Diaz sa kanyang mahusay na pagsayaw ng iba’t ibang genre tulad ng ballroom at modern dance.

Tumaas naman ang balahibo ng lahat sa nakakabilib na operatic singing na ipinamalas ng 51-taong gulang na guro, si Manolito Salvidar.

Samantala, bagama’t may kapansanan ang 11-taong-gulang na si Carl Malone Montecido, pasok na pasok pa rin siya sa susunod na round dahil sa kanyang madamdaming pag-awit ng sikat na awiting "Isang Lahi." Maging ang huradong si Ai-Ai delas Alas ay hindi na napigilang mapaluha sa inspirasyong hatid ng batang simula ipinanganak ay hindi na nakasilay ng liwanag.

Isa na kaya sa kanila ang makakapasok sa semi-finals? Abangan sa Pilipinas Got Talent, tuwing Sabado, 7:30 pm, at tuwing Linggo, 8:15 pm. Ipalalabas naman ang Pilipinas Got More Talent, tuwing 4:45 pm mula Lunes hanggang Biyernes sa ABS-CBN.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN