LJ Reyes and Paulo Avelino will guest on Startalk this Saturday, April 17


StarStruck graduate LJ Reyes will confront issues surrounding her pregnancy. Watch her guest on Startalk this Saturday along with Paulo Avelino, the father of her child.


Matapos ang ilang linggong bulung-bulungan, kumpirmadong nagdadalang-tao si LJ Reyes at ang rumored boyfriend nitong si Paulo Avelino ang ama. Ngayong Sabado, April 17, pakinggan sa Startalk ang buong tapang nilang pagharap sa isyu.


Sina Marian Rivera at Dindong Dantes, pati ang mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, may aaminin din tungkol sa kani-kanilang pagsasama.

Makatapos mag-file si LJ Reyes ng indefinite leave sa Kapuso Network, umugong ang balitang buntis ang dalaga at ang kapwa StarStruck at Ina Kasusuklaman Ba Kita co-star na si Paulo Avelino ang itinuturong ama. Tunghayan ang kanilang matapang na pag-amin at pakinggan ang mga plano at saloobin nila tungkol sa isyu, live!

Susunod ang real-life partners na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes na napapabalitang may tinakda ng petsa para sa kanilang kasal. Mawiwika na nga ba nila ng buong-buo ang "You To Me Are Everything" sa isa’t isa?

Judy Ann Santos, ibabahagi ang kanyang mga pinagdadaanan sa pagbubuntis habang ang asawa nitong si Ryan, bubukuhin ang di umanao’y "labis na pagkamalambing" ni Juday.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At para sa pinakahuling sorpresa, handog ni Ricky Lo ang isang exclusive interview kay Jennifer Lopez na magbabalik sa big screen matapos itong manganak ng kambal.

Ito at marami pang intriga ang mapapanood sa Startalk ngayong Sabado, April 15, bago mag-Eat Bulaga.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN