Melai Cantiveros and Jason Francisco learn to live on their own for Melason Promdi Heart


Jason Francisco and Melisa Cantiveros learn how to manage their own condo units for the ABS-CBN show Melason Promdi Heart.


Ngayong may sari-sarili na silang tunutuluyan, mas dama nina Melisa "Melai" Cantiveros at Jason Francisco ang maging independent sa siyudad.

Si Melisa, na kasama ang kapatid at kaibigan sa tinitirhang two-room condo, abala sa pag-iisip sa mga bayarin. "Dati anak lang ako, nag-aabot ng kaunting pera sa magulang, inaabutan din ng pera ng magulang. Kung sino ang meron, nagbibigay. Ngayon kasi, ako ang pinaka-nakakaluwag sa ’min kaya lahat intindi ko. Kuryente, tubig, pagkain, pambaon hanggang pambili ng toothpick iniisip ko," biro ng Prinsesa ng Masa.

Si Jason naman, na kalilipat lang, ay nag-iisa pa rin sa kinuhang condo. Naninibago pa rin ang Prinsipe ng Masa dahil malayo ang kalagayan niya ngayon sa kinagisnan sa Mindoro.

"Sa Mindoro, pagkagising ko kakain lang, liligo, aalis, iistambay. Ngayon, pagkagising ko may gagawin na ’ko. May responsibilidad na ’ko sa trabaho ko at sa sarili ko," aniya.

Kayanin kaya ni Melisa ang bigat ng mga responsibilidad niya sa pamilya? Malampasan kaya ni Jason ang buhay mag-isa? Alamin iyan sa pagpapatuloy ng kanilang pag-abot sa kanilang mga pangarap sa Melason Promdi Heart, 10 am Lunes hanggang Biyernes sa ABS-CBN at 6:30 pm naman sa Studio 23.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN