Bus accident disrupts taping of "Sinasamba Kita"


Brake malfunction during a bus scene caused the accident at the taping of Sinasamba Kita, GMA-7’s Sine Novela offering, directed by Joel Lamangan (in photo).



Nagkaroon ng aksidente noong May 4 sa taping ng Sinasamba Kita ng GMA-7 sa Subic, Zambales.

Mala-Speed, ang hit movie nina Keanu Reeves at Sandra Bullock, kasi ang eksenang kinukunan sa loob ng isang bus. Ang involved sa aksidente ay ang character actor na si Mike Magat at ang direktor mismo ng naturang Sine Novela, si Joel Lamangan.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Mike sa telepono at ikinuwento niya ang aksidenteng nangyari sa taping ng Sinasamba Kita.

"Supposedly kasi, ang eksena namin, hinu-hostage namin yung bus, may mga pasahero sa loob. Tapos kunwari, mauubusan na kami ng gasolina, kaya dahan-dahang hihinto. Kaya lang, yung gumaganap na goon na nagmamaneho nung bus, dumulas ang sapatos niya sa preno. Kaya sa halip na dahan-dahan, bigla niyang naipreno yung bus.

"Kaya ayun, dahil bigla nga ang pagpreno niya, tumalsik ako. Humampas ako sa windshield nung bus. Basag yung salamin," salaysay ni Mike.

Dahil daw sa lakas ng impact ng pagkakahampas niya sa windshield, masakit na masakit ang balakang ngayon ni Mike. Habang kausap nga namin si Mike ay nagpapahinga raw siya sa kanilang bahay at pupunta sa duktor para magpa-X-ray.

Ayon pa kay Mike, mabuti na lamang daw at may bakal na patungan ng istatwa ng Sto. Niño sa may windshield. Sumangga raw si Mike sa bakal kaya hindi siya lumusot nang tuluyan sa windshield.

Si Direk Joel naman, na nasa loob din ng bus, humataw raw ang ribs sa likod ng driver’s seat.

Nasa loob din daw ng bus sina Wendell Ramos at Valerie Concepcion, pero nasa bandang likod sila at nakakapit nang nangyari ang insidente kaya hindi sila nasaktan.

Bukod sa mga pasa at pagsakit ng kanilang mga buto, wala naman daw nagtamo ng grabeng sugat dahil sa aksidente. Ngunit mukhang kakailanganin pa ring magpatingin sa doktor ng mga nasangkot sa aksidente.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN