Love Me Again will air its final episodes this week


Another woman tries to steal Chad (Tom Rodriguez) away from Precy (Valerie Concepcion). Find out what will happen to the love stories told in Love Me Again.


Dahil nag-click sa afternoon viewers ang double love stories na hatid nito, hindi nakapagtatakang na-extend pa ng ilang linggo ang Precious Heart Romances (PHR) presents Love Me Again na pinagbibidahan nina TV host-actress Valerie Concepcion at Pinoy Big Brother Double Up ex-housemates na sina Tom Rodriguez, Cathy Remperas at Johan Santos.

Hango sa pocketbook na sinulat ni Heart Yngrid, lalong naging colorful ang istorya ng Love Me Again nang isabuhay ito ng bagong love teams na may taglay ang "bagong kilig" sa mga manonood. Mula sa Bahay ni Kuya, naintriga ang lahat kung may onscreen chemistry ba sina Johan at Cathy. Inabangan rin ang fresh team-up ng singing heartthrob Tom at ng nagbabalik-acting na si Valerie.

Sa katunayan, sa isa ngang interview kay Valerie nabanggit niya kung gaano niya pinanabikan ang Love Me Again. "For the longest time, I’ve been waiting for a drama show like this. Ever since lumipat kasi ako ng ABS-CBN, naging busy na ako with hosting Wowowee. Kaya happy ako ngayon na balik-drama ako. It’s something na matagal ko nang hinihintay."

Sa huling linggo ng Love Me Again, abangan kung saan dadalhin ng tadhana ang buhay at pag-ibig ng magkapatid na Precy (Valerie) at Donnie (Johan). Sa muling pagkukrus ng landas nina Donnie at Pauline (Cathy), mananatili na nga lang ba silang magkaibigan o hindi rin nila mapipigilan ang sigaw ng kanilang mga puso? At sa kasisimula pa lamang na pag-iibigan nina Precy at Chad (Tom), masira kaya sila ni Keanna (Nina Ricci Alagao) na determinado nang makuha si Chad? Anong gulo ang dadalhin ni Keanna sa buhay nina Chad at Precy?

Kasama rin sina Archie Alemania, Ahron Villena, Bettina Carlos at iba pang PBB Double Up ex-housemates na sina JM Lagumbay, Kenny Santos at Toffi Santos,mapapanood ang huling linggo ng Love Me Again, araw-araw, 4:20pm, pagkatapos ng PBB Teen Clash 2010 UBER sa ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkatapos ng "love story of second chances," new chapters naman ang handog ng PHR sa pagdiriwang nito ng first anniversary.


Sa May 17, Lunes, huwag palampasin ang kauna-unahang 13-week PHR series, ang Impostor, na pagbibidahan ng Kapamilya stars na sina Precious Lara Quigaman, Jon Avila, at Prince of Romance Sam Milby at ang Drama Sweetheart na si Maja Salvador. Ipinapakilala rin dito ang patok na tambalan ng Prinsipe at Prinsesa ng Masa, Jason Francisco at Melai Cantiveros.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN