Angelika dela Cruz rejects a role in "Babangan Ako at Dudurugin Kita"


While other stars are looking for jobs, Angelika dela Cruz has just rejected a project for ABS-CBN—the role originally played by Hilda Koronel in Babangon Ako at Dudurugin Kita.



Kung napakaraming artista ang walang trabaho ngayon, si Angelika dela Cruz naman ay tumatanggi pa sa trabaho. Well, this was not really Angelika’s decision but her manager’s, Boy Abunda.

Tinanggihan nila ang isa sa main roles sa Sine Serye ng ABS-CBN, ang Babangon Ako At Dudurugin Kita. Kung hindi kami nagkakamali, Angelika would have played Hilda Koronel’s role in the said Viva movie noon ni Sharon Cuneta. Kontrabida si Hilda sa pelikulang ito.

Earlier, may isa ring natanggihan sina Angelika and Boy, ang Lastikman ni Vhong Navarro, na part naman ng Komiks Presents.

"Yun naman po, dahil sa scheduling," paliwanag ni Angelika sa PEP (Philippine Entertainment Portal) via text tungkol sa hindi niya pagkakatuloy sa Lastikman.

Sa ngayon, Angelika is part of the (possibly) last installment of Komiks Presents Da Adventure of Pedro Penduko, ang Pedro Penduko and the Engkantao. Nasa Iloilo ang young actress nang nag-text sa amin noong May 5, promoting the show.

Pending pa rin ang isang project na talagang nakalaan para kay Angelika, ang Kapag Langit Ang Humatol. Para rin ito sa Sine Serye from the original movie that starred Vilma Santos and Richard Gomez.

"May naging problema raw po kasi, pero sabi nila okay na," pagbabalita ni Angelika.

Isang project din ang initially tinanggihan noon ni Angelika, ang Bituing Walang Ningning nila ni Sarah Geronimo. Ayaw niya sanang sumubok na mag-kontrabida noon, ngunit sa huli ay napilit din siya. This decision helped revitalize her career.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN